9 na babaeng naging espesyal sa buhay ni Willie Revillame

9 na babaeng naging espesyal sa buhay ni Willie Revillame

Si Willie Revillame ay kilala sa kaniyang matinding kayamanan, malupet na sense of humor, at sa kaniyang mga nakakatuwang programa kung saan tumutulong siya sa mga mahihirap.

Nalaman ng KAMI na sa kaniyang exciting na buhay, malaking parte nito ay ang mga babaeng naging malapit sa kaniya.

Sa isang feature ng GMA Entertainment, nakilala ang ilan sa mga babaeng malaki ang naging bahagi sa buhay ni Kuya Wil.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

1. Princess Punzalan

Ang aktres ay ang naging unang asawa ng sikat na host. Nag-sama sila ng limang taon lamang.

2. Liz Almoro

Kinasal sila Willie at Liz noong March 2005. Dalawang taon lamang nagsama ang dalawa pero nagkaroon sila ng anak, si Juan Emmanuel.

3. Lara Quigaman

Si Lara ay naging host sa show ni Willie. Lalong umingay ang rumors na mayroong namamagitan sa kanila nang bigyan ni Willie si Lara ng relos at bulaklak.

4. Mariel Rodriguez

Hindi sila na-link sa isa’t-isa pero mahalaga ang naging papel ni Willie sa pagsikat ni Mariel bilang host dahil isa siya sa mga hosts sa show ng komedyante.

5. Cristine Reyes

May tsismis din na kumalat na nagkaroon ng relasyon ang aktres at si Willie. Ayon kay Cristine, magkaibigan lang talaga sila.

6. Ara Mina

Nagkaroon din ng tsismis sa pagitian ni Willie at ang kapatid ni Cristine Reyes na si Ara. Kagaya ni Cristine, sinabi ni Ara na magkaibigan lamang sila.

7. Shalani Soledad

Sumikat sa show ni Willie ang romantic banter niya kay Shalani. Pero show lamang iyon at wala raw talagang namagitan sa kanila.

8. Mariomente Revillame

Siya ang ikatlong anak ni Willie. Nagviral ang photos ng dalaga nang mapansin ng netizens na pwede siyang maging artista.

9. Meryll Soriano

Si Meryll ay ang panganay na anak ni Willie. Ang nanay niya ay si Bec-Bec Soriano.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We have a new episode of our Tricky Questions feature and our respondents were very eager to answer our crazy and bizarre questions! You can watch all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel