Gusto mo bang makasiguro? Eto ang halaga ng DNA test at prosesong ginagawa

Gusto mo bang makasiguro? Eto ang halaga ng DNA test at prosesong ginagawa

- Ang DNA test ay isinasagawa upang makasiguro kung ang genetic o cells ng magulang at bata ay tugma

- Ang pagkuha daw nito ay nasa halagang P15,000 para sa personal use at P27,500 naman kung gagamitin sa korte

- Madali lang din ang proseso nito at para ka lang kumukuha ng liquido sa bibig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami na sa mga naging episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" (KMJS) ang kwento ng mga taong nangungulila sa totoo nilang mga magulang. Kalimitang lumalapit sila at sumusulat sa programa dahil umaasa silang matutulungan nito. Makikita din na sa bawat episode ay dumadaan sila sa isang DNA test upang makasiguro na sila ay magkadugo o magkamaganak.

Ang DNA o deoxyribonucleic acid ay sinasagawa upang makasiguro na tugma ang genetic o cells ng mga dumandaan sa pagsusuri nito.

Ayon sa ulat ng GMA News "24 Oras," ang pagsagawa ng DNA test ay nagkakahalaga ng P15,000 pesos para sa dahilang "personal use." Ang presyong ito ay para na daw sa pagsagawa sa nanay o tatay at anak.

Kung ito naman any gagamitin sa korte ay mas mapapamahal sa halagang P27,500 sapagkat mas marami ang papeles na kailangang ayusin at mas mahigpit daw ang proseso nito.

Si Jaime Lazatin na may-ari ng DNA Diagnostic Center sa Quezon City ay tumatanggap ng nasa 60 - 70 na mga kliyente kada buwan.

Ang proseso naman ng paggawa nito ay simple lamang na parang kumukuha lang ng liquido sa bibig. Ayon kay Lazatin,

"The kit has 3 sets of swabs. So that's for the father, mother and child. Ang laman ng swab, it's like an ordinary cotton bud na isa lang ang dulo. So you just brush it inside the cheeks,"

"You can use nail clippings. Puwede rin 'yung used cotton buds. Yung hair with roots, kailangan may roots. Puwede rin ang toothbrush, blood stain,"

Kahit sanggol na nasa sinapupunan ay pwede ding kuhanan ng DNA sample.

"It's called non invasive pre-natal test. Puwede siyang gawin from the 9th week of pregnancy onwards." dagdag na niya.

Ang DNA sample naman ay ipinapadala sa ibang bansa upang suriin at kunin ang resulta at maghihintay lamang ng ilang linggo.

This public prank contains the most hilarious reactions ever! Are you scared of snakes? Today we are going to find out how many people are afraid of snakes. These strangers from the Philippines were shocked when a fake snake was thrown at them! However, not all of them were scared. Do you want to see their reactions? How would you react? – on KAMI HumanMeter channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Baj Tacuycuy avatar

Baj Tacuycuy