Bumuhos ang tulong kay "Lolong Magtataho" na nagviral sa social media
- Talagang pinag-usapan ang isang episode na naman ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho' sa GMA-7 dahil sa nakakalumong sitwasyon ni "Lolong Magtataho"
- Isang netizen ang nagpost nito sa Facebook na nakuha naman ang pansin ng nasabing TV program
- Madami ang naawa sa kondisyon ng matanda dahil siya ay nasa dapit-hapon na ng kanyang buhay kaya paika ika na kung maglakad bitbit ang mabigat na tinitindang taho
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa edad na 69 years old ay nagsusumikap pa rin si Tatay Pidyong para kumita at mayroon pantawid sa gutom niya.
Araw-araw siyang nagbubuhat ng mabigat ng taho tinitinda si Lolo Pidyo dahil na din sa edad niya ay namamaos na ito, na halos hindi mo na marinig ang sigaw niya sa pagtitinda bukod pa sa pa ika ika na paglalakad.
Napag-alaman pa ng KAMI na kasama pala niya ang nakakatandang kapatid na si Lolo Julian na 84 years old na ay inako na niya ang pag-aalaga at gawaing bahay.
Taga Pangasinan daw talaga sila Lolo Pidyong pero noong namatay ang kanyang ama ay tinapos lang niya ang high school at pumunta sa Manila.
Dahil na din sa huling habilin ng kanilang ama ay inako na niya ang pagtulong sa pamilya ng kanyang kuya.
Kaya daw hindi niya iniiwan si Lolo Julian.
Pero dahil na din sa kahirapan at sa responsibilidad na pasan-pasan hindi naiwasan ng matanda ang isaliwat ang kanyang saloobin.
Ayon sa kanya:
"Araw-araw akong nagtitinda ng taho. Umaraw man o umulan. Talagang nahihirapan din ako kaya lang kinakaya ko na lang dahil wala namang choice eh. Kung hindi ako magtinda, wala akong makakain."
Tinulungan naman ang matanda na tumigil sa pagtataho at binigyan ng bigasan na negosyo.
Habang isinasagawa ng show ni Jessica Soho ang panayam kay Tatay Pidyong ay may dumating din na grupo na ang tawag ay "Mabuhay Kamote Riders" na tutulungan ang matanda na magkaroon ng maayos at magandang bahay.
At marami pang tulong ang bumuhos para kay Lolong Magtataho na si Lolo Pidyong dahil nagtrending na ang kanyang istorya.
Tingnan ang buong kwento niya sa video sa baba.
At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.
Pero higit sa lahat marami din ang natuto.
Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.
Watch more HumanMeter videos on YouTube
Source: KAMI.com.gh