Pagtaas ng presyo ng langis, dahilan ng P1 increase ng pasahe sa jeep ayon sa Malacanang
- Noong Hulyo 5 unang inanunsyo ang pagtaas pasahe ng jeep mula P8 na ngayon ay P9 na
- Ayon sa LTFRB, ang pagtaas daw ng presyo ng langis ang nangungunang dahilan sa pagtaas ng pasahe
- Iba iba naman ang naging reaksyon ng mga driver at mamayan patungkol dito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kamailan lang ay inanunsyo ang pagtaas ng pasahe sa mga public utility jeepney na dagdag isang piso. Ito na ngayon ay nasa P9 na nagmula sa P8 noon. Ayon sa LTFRB, maaari na daw humingi ng pasahe na 9 pesos paglampas ng unang ika-4 na kilometro ng pasada. Ang presyo na ito ay magkakabisa sa National Captal Region (NCR), Region 3 at 4.
Ngunit para sa mga nagtatanong kung ano ang basehan para sa pagtaas ng presyo ng pasahe lalo pa’t napakarami na sa mga bilihin ang nagtataasan sa ngayon. Ayon sa Manila Bulletin, marami ng sektor ng mga transport groups ang humihingi ng dagdag pasahe simula noong Setyembre 2017. Umabot pa sa dagdag P2 ang kanilang hiling ngunit hindi na muna ito binigyang pansin sapagkat napakarami pang kailangang tignan na anggulo ng gobyerno.
Ginawang batayan ng mga transport group ang dagdag pasahe dahil sa pagtaas ng presyo ng langis pati na din ang pagtaas ng pagbili ng mga spare parts ng jeep. Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito nga daw ang dahilan sa likod ng pagtaas presyo ngunit maaari din bumaba kung magbago at magmura ang pinagkukunan nito.
“Yes. So, it’s a result of the increase in the price of petroleum. But we assure you that if the price of petroleum goes down, there would be corresponding adjustments as well,”
Utos naman ni Duterte sa Department of Energy (DOE) na tignan mabuti ang pag-import ng langis mula sa non- OPEC (Organization of the Petroleum Experting Countries) kasama ang Russia.
Ibinahagi naman ni Roque na kasalukuyan nila itong tinitignan subalit mayroon pa din silang mga iilanag suliranin na kinakaharap.
“The importation of the Russian diesel is ongoing. The problem is we don’t have enough depots,” he said. But I think government is encouraging the private sector to build depots now because we’re really focusing on energy security"
Iba iba naman ang naging reaksyon ng mga jeepney drayber at pasahero patungkol sa pagtaas na ito.
Para kay Martin na isa sa mga transport group leaders ay malaking tulong na ang isang piso sa mga driver at operator.
“Kung makakapagsakay ng 350 passengers ang driver, may dagdag na P350 nakita na ang mga drivers. Malaking amount narin para makatulong sa drivers kaysa sa wala (If the driver has 350 passengers in a day, he will have an additional P350. That’s still a big amount that can help the drivers)”
Para naman sa mga pasahero, may nakakaintindi na tama lang ang pagtaas na ito bilang pagtulong na din sa mga tsuper ngunit para naman sa iba ay kahit anong halaga bastat dagdag sa presyo ay mahirap na din maglabas lalo pa sa mga hirap makakuha ng trabaho ngayon.
Have you missed our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today our “victims” are people of Cubao. It is they who will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. A little spoiler: some questions are about famous Italians! So… What about you? Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Will you be able to give the correct answers to all tricky questions from this episode? - on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh