Nakasasakyan nga naman sila! Lolo at mga apo nagdrive-thru sa Jollibee gamit ang kanilang kalabaw

Nakasasakyan nga naman sila! Lolo at mga apo nagdrive-thru sa Jollibee gamit ang kanilang kalabaw

- Nakunan ng video ang maglololo na nakapila sa drive-thru ng Jollibee Teresa, Rizal gamit ang kanilang kalabaw

- Nasa sampung mga bata ang kasama ng kanilang "papa" sakay sa "paragos" na hinihila ng kalabaw

- Umabot na sa mahigit 1.5 million views ang video at marami ang natuwa at naantig sa isang masayang araw ng maglololo na nakunan ng video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang video ng isang matandang nakasakay sa kalabaw kasama ang kanyang mga apo na na kasakay sa paragos nito.

Ang lolo at ang kanyang mga apo ay nagtungo sa Jollibee at talagang sa 'drive-thru pa sila pumila marahil dahil sa dalang kalabaw.

Nalaman ng KAMI na nasa sampu ang mga apo na kasama ni Lolo na masayang masaya na umorder ng paborito nilang 'meal' sa Jollibee.

Kitang kita sa mga nginti ng mga bata ag tuwa dahil bukod sa paglalakbay nila gamit ang paragos at kalabaw, makakakain sila sa paboritong kainan ng mga Pinoy.

Nakadamit pa ng pang-saka, bakas din ang kaligayahan ng kanilang 'papa' na maikain ang kanyang mga apo sa Jollibee.

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa Youtube:

Umabot na sa mahigit 1.5 milyon na views ang video na ito at talaga naman maraming namangha, natuwa at naantig sa simpleng kasiyahan ng isang lolo at kanyang mga apo.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang tawa ko po ng sinabi nyo "wag nyo paaandaren at aandar yan" pero saludo po ako sa inyo sir. Mapasya nyo lng ang mga bata hindi hadlang ang pagbbyahe sakay ng kalabaw at kangga. God bless po sa inyo."

"Wow!!! Astig si Tatay,,,,hehehehe kayo lang ba marunong mag Jolibee!Saludo po ako sa inyo Tatay,,,You're The Man!!! Pwedeng I post ng Thug Life ito!!! God bless po!!! isa kang Tatak Duterte Tatay!!!Only in the Philippines and we're Proud of it!!!!."

"Cute cute ... sana pati yung kalabaw may order din! The children will definitely have good memories of this bonding! Mabuhay ang pamilyang Pilipino! Mabuhay ang Jollibee!"

"This event will surely be remembered by the kids even after 20 years and they will have a good laugh reminiscing their childhood. Just like what we do these days."

"Tama.. ang jollibee para sa masa eh kahit sino pwede bumili basta may pera klng... aanhin mo qng may kotse kanamn pru qng wala kang pera eh d nga nga... saludo aq sayu kuya...."

Today our “victims” are people of Cubao. It is they who will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. A little spoiler: some questions are about famous Italians!

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica