Ayoko na sa earth! Isang 41 anyos na lalaki, inasawa ang 11 taong gulang bilang pangatlong asawa
- Isang balita tungkol sa pag-aasawa ang umani ng batikos mula sa netizens
- Ito ay tungkol sa 41 anyos na lalaki na nagkaasawa ng pangatlo sa bansang Malaysia
- Ang matindi dito, 11 anyos lang ang kanyang pangatling asawa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Binatikos ng netizens sa iba't-ibang panig ng mundo ang balita tungkol sa pag-asawa ng isang 41 anyos na lalaki. Ang ikinagalit ng karamihan sa mga netizens ay ang kanyang nakuhang pangatlong asawa ay 11 taong gulang lamang.
Maaring magkakaiba ang ating kultura at paniniwala ngunit tila hindi matanggap ng karamihan na masayang ang buhay ng isang musmos na bata na hindi paman naranasan ang buhay dalaga ay magkakaroon na ng asawa. Maituturing na rin itong child abuse kung mangyari sa ating bansa pagkat hindi paman nakatungtong ang bata sa legal na edad ay nag asawa na ito.
Che Abdul Karim ang lalaking may pangatlong asawa na 11 taong gulang ay mayroon nang 6 na anak sa dalawang naunang asawa na nasa 5-18 taong gulang. Isa sa kanyang dalawang unang asawa ang nagsumbong tungkol sa pag-aasawa nito ng menor de edad.
Inimbistigahan naman ng otoridad ang nasabing insidente matapos umani ng batikos ang pangyayari.
Iginiit ni Che Abdul Karim na pinapayagan ng Islam ang kanyang kasal sa 11 taong gulang na si Masaryu Mat Rashid kahit pa labag ito sa batas. May kasunduan umano ito sa kanyang mga magulang na titira ang bata sa kanyang mga magulang hanggang umabot ng 16 taong gulang.
Base naman sa batas ng Malaysia, maikakasal lamang ang isang babae pag siya ay 18 taong gulang. Nabibigyan din umano ng konsiderasyon kapag pinayagan ng Prime Minister ay maibababa sa 16 na taong gulang, gayun din sa Islam.
Iniimbestigahan ng gobyerno ng Malaysia ang nasabing kasalan dahil wala umanong naitalang record nito sa nasabing bansa, Maari umanong sa Thailand sila ikinasal.
Ayon sa UNICEF, ang child marriage ay isang suliranin, hindi bababa sa 650 million ang ikinakasal nang menor de edad.
Kaya naman umani ito ng pagkokondena mula sa iba't ibang tao. Pinapayagan sa ilang kultura at paniniwala ang pag-aasawa ng higit sa isa kaya naman hindi kataka takang magkaroon siya ng pangatlong asawa.
Magkakaiba man tayo ng paniniwala, sana ay magkaisa ang buong mundo sa pag-aalaga sa karapatan at ikabubuti ng bawat bata.
Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami
Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!
Watching it, you can learn some basic poses and tips.
Source: KAMI.com.gh