Wala raw sa katinuan? Ina, naglalakad ng mahigit 300km sa paghahanap sa nawawalang anak

Wala raw sa katinuan? Ina, naglalakad ng mahigit 300km sa paghahanap sa nawawalang anak

- Isang netizen ang nagbahagi ng larawan ng isang matandang babae na naglalakad mula ng mahigit 300km sa paghahanap sa kanyang anak

- Labis na namangha ang netizen dahil mula sa isang siyudad, nakita naman niya ito sa ibang lugar

- Kasa-kasama lamang nito ang kanyang alagang dalawang aso na nagsisilbi rin niyang katuwang sa kanyang pag-iisa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng facebook user na si Sheena Cordova Buquiran ang larawan ng isang matandang babae na matiyagang naglalakad sa paghahanap niya raw sa kanyang nawawalang anak.

Nalaman ng KAMI na pinagkamalan pa raw ang matanda na wala sa sariling katinuan dahil sa itsura nito.

Dala ang mga gamit, nakasuot pa ito ng patong patong na mga damit sa kabila ng mainit na panahaon.

Kasa-kasama din niya sa kanyang paglalakbay ang kanyang alagang aso na nagsisilbing katuwang niya sa kanyang pangungulila sa anak.

Ayon sa kwento ni Sheena, mula sa isang siyudad ay nakita niya ito sa isa pang siyudad kaya naman labis siyang nagtaka ngunit namangha dahil alam niyang naglalakad lamang ito.

Naikwento ni Sheena ang matanda sa kanyang tatay. Makalipas ang ilang araw, nakita naman ng tatay ni Sheena ang matanda sa iba na namang lugar na tinatayang 100km na ang layo mula sa Dumaguete City.

Kinausap daw ng tatay ni Sheena ang amtanda at doon nalaman niya na balak nitong pumunta sa Bacolod City na 180km ang layo mula sa lugar kung saan siya na roon.

Totoo man o hindi na nawawala ang anak ni nanay, sana ay matagpuan niya ang nawawalang anak dahil labis na ang hirap na kanyang dinaranas mahanap lamang ito.

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica