Rina Navarro accuser, inaming nagpadala ng mensaheng pagsuporta kay Ara Mina

Rina Navarro accuser, inaming nagpadala ng mensaheng pagsuporta kay Ara Mina

-Kamailan lang ay inakusahan ni Gina Magat na inagawan siya ni Rina Navarro ng fiancé noong 2013

-Lumabas ang kwentong ito matapos akusahan ni Rina na nang-agaw daw ng kanyang ex-fiance si Ara Mina ngunit wala pa naman itong matibay na pruweba.

-Inamin naman ni Gina na nagpadala siya ng mensahe ng pagsuporta kay Ara Mina hindi para manghimasok sa problem ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging mainit na balita ang paglabas ni Gina Magat, isang babae na may akusasyon laban kay Rina Navarro. Naging usapan kasi ang akusasyon ni Rina laban kay Ara Mina na nang-agaw daw ito ng kanyang ex-fiance na si Undersecretary Dave Almarinez. Samantala, ang akusasyon na ito ay wala pa namang pruweba.

Tikom pa din at walang pahayag si Rina Navarro tungkol sa akusasyon sa kanya ni Gina Magat.

Ikinwento ni Gina sa PEP (Philippines Entertainment Portal) kung paano daw pilitang inagaw ni Rina ang kanyang ex-fiancé taong 2013. Ayon daw sa kanya ay ganito kasi ang kaparehong sitwasyon na inaakusa ni Rina kay Ara Mina sa kanyang fiancé na si Undersecretary Dave Almiranez, president and CEO ng Philippine International Trading Corporation.

Rina Navarro accuser, inaming nagpadala ng mensaheng pagsuporta kay Ara Mina

Photo of Gina (Left) and Rina (Right) Courtesy of Pep.ph

Inamin ni Gina sa PEP na siya daw ay nagpadala ng mensahe ng pagsuporta kay Ara Mina. Ikinwento niya dito ang hindi magandang karanasan limang taon na ang nakalilipas.

Rina Navarro accuser, inaming nagpadala ng mensaheng pagsuporta kay Ara Mina

Photo from Filipino Feed and @therealaramina

Ayon sa IT school executive na si Gina “I sent her a DM [direct messaging] through Instagram.

"Then, yun, ikinuwento ko sa kanya yung nangyari sa amin ni Rina before.”

Nang tanunging naman ang motibo ni Gina sa pagpadala ng message kay Ara ay ito ang kanyang naging paliwanag.

“Kasi, I feel sorry for her [Ara], kasi ginagawan siya ng issue, e.”

'Tapos ganun pa yung ipinapakita niya [Rina] sa interviews na parang aping-api siya."

“Siguro, between her and Ara, it’s for them to settle. I want to stay out of their issue.”

“Kasi, this is my personal issue. This is my personal opinion about her.”

“So, for that matter, sila na lang yung mag-aayos nun [away nila].”

Nilinaw naman ni Gina na hindi daw siya nanghihimasok sa alitan ni Rina at Ara sapagkat iba naman ang naging issue niya kay Rina noon.

Si Ara Mina ay isang aktres, singer, endorser at entrepreneur. Nagsimula si Ara sa pag-aartista nang siya ay 14 anyos pa lamang sa programang That's Entertainment. Madami na din siyang nilabasan na sikat na pelikula tulad ng "Mano Po" at "Sa Sandaling Kailangan mo Ako." Si Rina naman ay miyembro ng Cinema Evaluation Board at isang film producer.

Have you missed our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today our “victims” are people of Kavala. It is they who will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. A little spoiler: some questions are about famous Italians! So… What about you? Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Will you be able to give the correct answers to all tricky questions from this episode? Click “Play” to find out! - on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery

Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery

Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel