Ciara Sotto, nagreact sa ginawang pag deny ni Valeen Montenegro sa isyu ng kanyang pagiging third party

Ciara Sotto, nagreact sa ginawang pag deny ni Valeen Montenegro sa isyu ng kanyang pagiging third party

- Nagbigay ng pahayag ang TV Host actress na si Ciara Sotto

- Ito ay kaugnay sa ginawang pag deny ni Valeen Montenegro sa isyu ng 3rd party

- Matatandaang nadawit ang pangalan ni Valeen nang maghiwalay si Ciara at ang asawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Ciara Sotto na masaya na siya ngayon pagkatapos ng hiwalayan nila ng kanyang dating asawa na si Joe Oconer tatlong taon na ang nakalipas.

Matatandaang wala pang isang taon ang anak nilang si Crixus nang mangyari iyon.

Sa isang panayam sa PEP, inilahad ni Ciara ang saloobin tungkol sa nangyari.

“I’m happy, lalo na ngayon may project kami ni Danica [Sotto] na ganito. It’s been really good. Life’s been good and I’m very thankful to God for that. I’m very happy with the way Crixus is growing-up. You know, I’m just at peace with my life right now."

Ibig ba sabihin nun ay mas maigi pa kahit hindi buo ang kanilang pamilya?

“For me, yes, of course. Pero ganun naman talaga ang marriage. Meron kayong pagdadaanan na mahirap. But then again, kapag hindi mo na talaga kaya and you think you’re compromising your own self, your own happiness, [if] it’s not making you a better person anymore, and you’re not happy with yourself anymore...And I have zero tolerance for cheating. So, I think it’s time to let go.”

Ibinahagi din ng host-actress na nagfile na siya ng annulment.

“Ako ang nag-file, kasi sino pa ba magpa-file? Pero kasi, feeling ko rin, habang maliit si Crixus, mas madali for the kid. Kesa paglaki pa niya, mas marami na siyang tanong. 'Bakit ka nagpupunta sa court? It would be easier for him. Yung anak ko rin ang iniisip ko.”

Sa naging hiwalayan nila, lumutang ang pangalan ni Valeen Montenegro bilang third party di umano.

Nang mahingan naman ng reaksiyon sa naging panayam kay Valeen, natawa lamang siya dahil sinabi umano nito na nadamay lang ito sa publicity noong hiwalayan nina Ciara at Joe.

“Actually, if that’s her version of the truth, I cannot comment on that. Pero ako kasi, takot akong magsinungaling.Liars go to hell, di ba?”

Ayon pa kay Ciara yung third party daw ang nagtrigger talaga ng hiwalayan though marami naman daw naging dahilan.

Hindi rin naman daw naging madali sa kanya ang pag-move on mula sa nangyari sa marriage life niya.

Civil naman daw silang mag-asawa at maayos ang relasyon nito sa kanilang anak.

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | BeKami

Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel