Ina ng mag-kuya na nag-viral sa socmed, nakauwi na para sila ay maalagaang magkakapatid

Ina ng mag-kuya na nag-viral sa socmed, nakauwi na para sila ay maalagaang magkakapatid

- Nag-viral ang larawan ng estudyante ng Grade 3 na laging bitbit ang kapatid niyang disabled

- Dahil sa nag-viral ang larawan ng magkapatid, maraming netizens ang naantig kaya naman nakapagpaabot sila ng tulong para makauwi na ina ng mga bata at siya na ang mag-alaga sa mga ito

- Nasorpresa talaga ang magkapatid na sina Alexis at AJ pati ang isa nilang kapatid sa biglaang pagdating ng kanilang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sino ba naman ang di maaantig sa kwento nina Alexis at AJ, kung saan laging bitbit ni Alexis ang disabled niyang kapatid na si AJ.

Nag-viral ang post ng isang concerned citizen sa kanila kung saan binahagi nito ang sitwasyon ng magkakapatid.

Nalaman ng KAMI na talaga namang nakakadurog ng puso ang kalagayan ng magkakapatid dahil si Alexis lang ang nag-iintindi sa kanyang 2 pang kapatid lalo na sa 4 na taong 'disabled' na si AJ.

Iniwan daw sina Alexis ng kanyang ina sa stepfather nito upang makapaghanapbuhay siya sa Maynila.

Ngunit ayon kay Alexis, sinasaktan daw diumano sila ng kanilang stepfather kaya inako na niya ang responsibilidad ng pag-aalaga sa kanyang mga kapatid.

Salamat na lamang sa mga guro na nagtutulungan upang masustentuhan ang magkakapatid. Pinayagan din silang matulog sa paaralan gayong wala naman silang mauuwian.

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa youtube.

Salamat na lamang at nag-virala ang mga larawan nga magkakapatid. Dahil dito may mga nagmalasakit na magbigay ng tulong sa ina ng magkakapatid para makauwi na ito at siya na lamang ang mag-alaga sa mga anak.

Natagpuan ng Kapuso mo Jessica Soho ang nanay nina Alexis sa Caloocan City kung saan siya namamasukan bilang kasambahay.

Walang bakas na galit o poot sa mukha ni Alexis nang makitang muli ang ina. Naiyak sa tuwa pa ito at inabot ang nakababatang kapatid na si AJ na tila nakilala pa rin ang ina.

Dahil nakauwi na ang ina, binigyan na rin ng tulong ng program ang mag-iina nang sa gayon ay may ikabubuhay na sila.

Binigyan sila ng maari nilang paninda sa maliit na sari-sari store na mapapagkunan nila ng panggastos araw-araw.

Labis itong kinatuwa nina Alexis at kanyang ina dahil di na sila magkakahiwalay pa at makakapag-aral na siya ng maayos dahil ang kanyang mama na ang mag-aalaga sa kanyang kapatid.

Are you in favor of legalizing divorce in the Philippines? Legalizing Divorce: What Do People Think About It? | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica