Pusong Pinoy! 6 foreign celebrities na mas piniling manirahan dito sa Pilipinas

Pusong Pinoy! 6 foreign celebrities na mas piniling manirahan dito sa Pilipinas

- Sila ang mga artistang kahit dayuhan, mas pinili pa din manirahan sa bansa

- Mga artistang mas gustong ipagpatuloy ang buhay sa Pilipinas

- Ibinahagi ng mga foreign celebrities ang rason ng kanilang pagtira sa Pinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming turista ang naaakit sa ganda ng Pilipinas at kabilang na diyan ang mga foreign celebrities na mas piniling manirahan dito sa bansa. Iba-iba man ang lahi ng mga foreign celebrities, ngunit iisa lang ang kanilang rason kung bakit sila nandito, dahil mas at home sila dito.

Narito ang 6 na foreign celebrities na talagang nahulog sa ganda ng Pilipinas kaya naisipang dito na lang manatili.

1. Jinri Park

Isang Korean model at aktres si Jinri Park at mahigit dalawang dekada na siyang nakatira sa bansa. Ayon sa modelo, nagustuhan niya ang Pilipinas dahil mas mababait at magiliw ang mga Pinoy kompara sa ibang bansa.

2. Ryan Bang

Si Ryan Bang ay isang host ng It’s Showtime ngayon at nakatira sa Pilipinas ng mag-isa sa loob ng 14 taon. Masaya ang host dahil may mga taong sumusuporta at nagmamahal sa kanya dito sa bansa kahit malayo siya sa kanyang pamilya.

3. Maria Ozawa

Isang modelo at aktres si Maria Ozawa na may lahing Hapon. Una siyang pumunta sa Pilipinas noong 2015 para sa isang photoshoot at di kalaunan ay nagdesisyong manatili na ditto. Isa na siya sa may-ari ng Remington Hotel.

4. Daniel Matsunaga

Modelo at aktor na si Daniel Matsunaga ay isa ding celebrity dito sa bansa na may lahing Brapanese. Ayon sa aktor, pinili niyang tumira dito sa bansa dahil lahat ay nakakamangha gaya ng kultura, pagkain, at lalo na ang mga Pinoy.

5. Sam Y.G

Isang host sa radio at TV ang Indian na si Sam Y.G. Kahit ipinanganak siya sa ibang bansa, mas pinili niyang maging isang Pilipino dahil dito na siya lumaki.

6.Lee O’Brian

Ang American actor na si Lee O’Brian ay nahulog din sa ganda ng Pilipino at Pinay. Dito niya nahanap ang kanyang tunay na pag-ibig at ito ay walang iba kung hindi ang komedyante at aktres na si Pokwang. Ngayon, meron na silang isang anak na si Malia.

Nais mo bang mapatunayan na ikaw ay isang tunay at dugong Pilipino? Tara ng alamin kung ano nga ba ang kakaiba sa mga Pinoy kaya sila natatawag na kakaiba. Kung nais mo ng mga bagong balita, nakakatuwa at nakakatabang puso na mga kwento, o naghahanap ka ng viral videos, dito ka langs sa BeKami Youube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon

Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon

Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel