Nagbalik loob na! Dating transgender Sabel Gonzales, nagdesisyong magpakalalaki na

Nagbalik loob na! Dating transgender Sabel Gonzales, nagdesisyong magpakalalaki na

- Naging usap-usapan ang pagpalit ng pangalan ng dating transgender na si Sabel Gonzales

- Ito ay matapos siyang magdesisyon na gamitin ang tunay niyang pangalan na Mark Estephen

- Nakilala si Sabel Gonzales bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss International Queen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan ang pagbabalik sa pagiging tunay na lalaki ang dating transgender na si Sabel Gonzales.

Napagpasyahan niyang maging isang straight guy ulit at gamitin ang tunay niyang pangalan na Mark Estephen.

Matatandaang naging kinatawan siya ng Pilipinas sa Miss International Queen noong 2017.

Sa isang panayam na ito ng PUSH, ibinahagi niya ang dahilan ng kanyang desisyon na pagbabago.

“Turning point is when I’m broken, parang hinahanap ko ang tunay na buhay ko, I’m looking for my identity kung sino ba talaga ako,” saad ni Mark.

Ayon pa sa kanya nahirapan siya sa naging desisyon.

"Sa isang iglap magpapagupit ako ng buhok, magdadamit ako ng panlalaki ulit, it's not easy. Every time na nag-pe-pray ako kay Lord, I ask him, 'Lord, is this your desire in my life? Ito ba yung buhay na gusto mo para sa akin?’ Niluhod ko sa Panginoon. Iniyak ko sa Panginoon. 'Lord, alam ko gagabayan mo ako in my journey,' paliwanag niya.

Hindi niya nilayuan ang mga kaibigang nakasama niya bago pa man niya napagpasyahang magpakalalaki.

Nirerespeto parin daw niya ang mga kaibigan anu man ang kanilang kasarian.

"I respect them, because I believe that only Jesus can change people. What we can do is to pray for them, and eventually in the right time na dumating yung punto na tatawagin na sila ni Lord. Sa akin, walang nagsabi na kailangan ka magpakalalaki, kusa na lang na nagdesisyon ako para sa akin."

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on HumanMeter

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo

Hashtag no excuses! Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nagpang-abot sa Tokyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel