Bernadette Allyson at Gary Estrada, ipinakilala ang kanilang artistahing panganay

Bernadette Allyson at Gary Estrada, ipinakilala ang kanilang artistahing panganay

- Real life couple Bernadette Allyson at Gary Estrada, ipinakita sa madla ang panganay na si Garielle Bernice

- Binahagi ni Icee kung ano ang plano niya pagkatapos mag-aral

- Nagpahayag din si Icee tungkol sa kanyang mga hilig gawin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ipinakilala nina Bernadette Allyson at Gary Estrada ang kanilang panganay na anak na si Garielle Bernice o Icee sa kanilang mga tagahanga. Namana ng dalaga ang magandang itsura ng kanyang mga magulang. Bukod kay Icee, may dalawa pang sumunod na anak ang mag-asawa na sina Gianna at Gabbi.

Ayon sa GMA Entertainment, naging emosyonal ang ama ng dalaga na si Gary Estrada sa Instagram post nito. Ani ng aktor, naaalala pa nito ang araw ng ipinanganak ang anak at gagawin ang lahat para maging mabuting ama dito. Dagdag pa ng ama, natatakot na ito sa ngayon dahil mabilis na lumalaki ang kanyang panganay na si Icee. Pinaalalahan naman ni Gary na mahal nila ng asawa ang kanilang panganay.

Pagdating naman sa hilig ni Icee, gusto nito makipag bonding sa kaniyang mommy at mga kapatid. Hindi lang yan, nang lumabas ang dalaga sa GMA morning show ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na Sarap Diva, ipinamalas din ni Icee ang kanyang galing pagdating sa softball.

Nang tanungin kung may balak ba siyang pumasok sa showbiz, nais muna ng dalaga na makapagtapos ng pag-aaral bago subukan ang industriya.

Si Bernadette Allyson at Gary Estrado ay mga sikat na Pinoy aktor at aktres. Napabilang na ang dalawa sa maraming pelikula at mga palabas sa telebisyon. Sa ngayon, masusubaybayan si Allyson sa Contessa at si Estrada naman ay sa The Stepdaughers. 17 taon ng kasal ang dalawa sa isa’t-isa.

Tayo ng alamin kung ano nga ba ang kakaiba sa mga Pinoy kaya ito ay nakaka-proud. Panoorin ang bidyo na ito at tuklasin kung ikaw ba ay isang tunay na Pilipino! Kung nais mong makabasa ng mga bagong balita, makapanood ng viral videos o maiyak at matuwa sa mga istorya, tara na dito na sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel