Sino sa mga aktor ay may maraming anak?Mawiwindang ka sa dami nila!

Sino sa mga aktor ay may maraming anak?Mawiwindang ka sa dami nila!

- Para yatang ang quotable quotes ng mga aktor na ito ay "The more, the merrier," dahil magugulantang ka talaga sa dami ng kanilang mga anak.

- Ito nga yata talaga ang kaso ng ating mga local celebrity daddies na nagpadami ng lahi at pamilya.

- Dahil buwan nga ng mga ama ngayon, ay magbibigay pansin tayo sa mga kilalang mga aktor sa showbiz na may maraming mga anak.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbahagi nga ng listahan ang 'PEP' sa mga aktor na ama na maraming mga anak at mawiwindang kayo pagnalaman niyo ito.

Narito ang top 6 o anim sa mga aktor sa nakuhang listahan ng KAMI galing sa source media outlet.

Lou Salvador Sr.

Bilang ng mga anak: 102

Ayon sa balita, si Lou Salvador Sr. ay ang yumaong Filipino basketball player na diumano'y sinasabi na ama ng mahigit isang daang (100) bata sa apatnapu't siyam (49) na babae.

Ang ilan sa kanyang mga kilalang mga anak ay sina Alona Alegre, Leroy Salvador, Mina Aragon, Phillip Salvador, Ross Rival, Juan Miguel Salvador, Emil Salvador, at Jumbo Salvador.

Si Ross Rival ay ang ama ng Kapamilya aktres na si Maja Salvador.

Sa panayam ng source media outlet na sinabi daw ni Phillip Salvador na nakilala daw niya ang kanyang lahat na kapatid nang ito ay yumao.

Saad pa ng aktor:

"Hindi ka maniwala nabuo kami, 102 kami. Bale, 49 mothers. Di ba, namatay si Papang, nagdatingan lahat sila? Panahon na nina Ate Mina [Aragon] yun, producer na sila nung namatay Papa ko."

Ramon Revilla Sr.

Bilang ng mga anak: 72

Ayon sa nasabing balita, noong November 2011, ibinahaga daw ng manunulat na si Portia Ilagan sa isang panayam sa 'ABS-CBN' na ang ang aktor at politician na si Ramon Revilla Sr. ay diumanoy' ama ng pitumpu't dalawa (72) na mga anak sa labing anim (16) na babae.

Si Portia Ilagan daw ay ang spokesperson ng dating Senador na si Ramon Revilla Sr., at nagsabi umano, sa panayam na nabanggit sa taas na tatlumpu't walo (38) lang ang kinilala at dala ang apelyido na Revilla.

Pero ayon naman daw sa isa sa mga anak na babae ng dating Senador na si Rowena Bautista-Mendiola:

"It's actually just 45. I have a list, e... we're only 45."

Si Ramon Revilla Sr. ay mayroon daw pitong anak sa yumaong asawa na si Azucena Mortel na kabilang umano sina Marlon, Rowena, Bong Rebecca Bautista-Ocampo o Princess Revilla, Edwin o Strike Revilla, Andrea Bautista-Ynarez, at Dianne.

At meron din daw siyam na anak ang dating aktor kay Genelyn Magsaysay at sila ay sina Ma. Ramona Belen(Mara), Ragene Anne, Ragelyn Gail, Ram Joshua, Ramon Joseph (RJ), Raphael Julius, Reuben, Ramlyn Gabrielle, at ang yumaong Ramgen Revilla.

Dolphy Quizon

Bilang ng mga anak: 18

Ang hari ng komedya na si Dolphy Quezon ay mayroong labing-walo (18) na anak sa anim na iba't-ibang babae.

Meron daw siyang anim o 6 children sa yumaong aktres an si Engracia Dominguez na sina Manny, Sahlee, Rodolfo Jr. (Dolphy Jr.), Wilfredo (15-2005), Edgardo, Rolly (1959-2018).

May apat din daw na anak si Dolphy kay Gloria Smith at ito ay sina Mariquita (Kit), Carlos, Geraldino (Dino, 1972-2018), at Edwin.

May apat din siya na anak kay Pamela Ponti at ito ay sina Ronaldo (Ronnie), Enrico (Eric), Madonna (Donna), at Jeffrey(Epi) Quizon.

Noong 1960 daw ay may anak na lalaki siya kay Evangeline Tagulao na si Rmmel at noong 1984 ay nagkaroon din siya ng anak kay Alma Moreno na si Vandolph.

At ang huli, ang matagalg niyang partner bago pumanaw na si Zsa Zsa Padillay ay may anak na babae na si Zia at isang adopted daughter na si Nicole.

Joseph 'Erap' Estrada

Bilang ng mga anak: 10 to 12

Ang dating pangulo ng bansa na naging Mayor ng Manila na kilal din bilang aktor ay mayroon daw tatalong anak sa asawa niya na si former First Lady na Senador ng ngayon na si Dr. Luisa 'Loi' Pimentel.

At ito sila ay sina Senator Jose (Jinggoy), Jacqueline, at Jude.

Mayroon din daw siyang anak sa ibabang babae.

May dalawang anak siya kay Peach Osorio na sina Joel Eduardo (Jojo) at Teresita.

Anak din niya si Senator Jose Victor (JV) kay San Juan City Mayor Guia Gomez.

At may anak din siya kay Laarni Enriquez na sina Jerika, Juan Emilio (Jake), at Jacob.

May anak din daw siya kay Joy Melendrez na ang pangalan ay si Jose Mari.

Dagdag pa sa balita, ayon naman sa dalawang website na 'thel2list.com at topten.ph' may anak din daw si Erap na ang pangalan ay Joan na diumano'y anak niya kay Mary Ann Murphy at isang anak na lalaki na Jason ang pangalan sa isang flight attendant na kilala bilang 'Larena.'

Eddie Gutierrez

Bilang ng mga anak: 8

May anim na anak si Eddie Gutierrez sa asawa niyang si Annabelle Rama at sila ay sina Ruffa, Rocky, Elvis, Richard, Raymond, at Ritchie Paul.

Mayroon din siyang ibang mga anak sa dating mga karelasyon gaya na lang sa aktres na si Liza Lorena at ang anak nila ay si Tonton Gutierrez at si Ramon Christopher o mas kilala bilang Monching ay anak niya kay Pilita Corrales.

Robin Padilla

Bilang ng mga anak: 7

Si Robin Padilla ay mayroong pitong anak, ayon sa balita.

May apat na anak siya sa dating asawa na si Liezl Sicangco na sina Ali, Queenie, Kylie, at Zhen-Zhen.

Mayroon din daw anak si Binoy na lalaki ang pangalan ay Mico sa aktres na si Jobelle Salvadoar at anak na babae sa dating aktres na si Leah Orosa na si Camille Garcia.

At ngayon, ang pinakabunso sa lahat ay si Maria Isabella sa asawa niya ngayon na si Mariel Rodriguez-Padilla.

POPULAR: Read more news about Robin Padilla here

Dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
RIP: Marvel Comics legend Stan Lee, pumanaw na sa edad na 95

RIP: Marvel Comics legend Stan Lee, pumanaw na sa edad na 95

RIP: Marvel Comics legend Stan Lee, pumanaw na sa edad na 95
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel