Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

- Aktres na si Ynez Veneracion, inamin na nagsisilbing pangalawang tatay ng kanyang anak ang ex na si Mon Confiado

- Aktor na si Mon Confiado, hinihiram minsan ang anak

- Ynez, masaya sa relasyon nila ng kanyang ex-boyfriend

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ipinahayag ng aktres na si Ynez Veneracion na ang unica hija niyang si Princess Keilah ay tinuturing na pangalawang ama ang kanyang dating kasintahan na si Mon Confiado. Ayon sa aktres, maaari pa niyang maging kaibigan muli ang kanyang naging boyfriend sa loob ng siyam na taon.

Ayon sa Pep.ph, ibinunyag ni Ynez Veneracion na may komunikasyon pa din sila ni Mon Confiado kahit matagal na silang hiwalay. Saad ng aktres, naging close sila ng actor at dahil dito, napalapit din ang loob ng anak niyang si Princess Keilah na tinatawag nitong Daddy Mon.

Pahayag din ni Ynez, minsan hinihiram ng ex-boyfriend ang anak niya dahil wala pa itong anak hanggang ngayon. Sabi pa ng aktres, magkakaroon sana sila ng anak ni Mon noon 2006 ngunit nagkaroon siya ng miscarriage na nagsanhi sa pagkawala ng anak sa sinapupunan.

Nang tanungin tungkol sa reaksyon ng totoong ama ng anak niya, sagot ni Ynez na hindi naman ito nagseselos at kung nag-uusap man sila, tungkol lamang ito sa kanilang anak.

Masaya ang aktres na kahit matagal na silang hiwalay ni Mon, maganda pa rin ang relasyon nila na bihirang makita sa dating magkasintahan.

Si Ynez Veneracion at Mon Confiado ay parehong sumikat bilang isang Pinoy aktor at aktres. Naging magkarelasyon ang dalawa sa loob ng siyam na taon ngunit nagdesisyon na maghiwalay noong 2009.

Nais mo bang pumayat gaya ng ginagawa ni Sam? Huwag mong palampasin ang 3rd week ng Fitness Challenge ni Teacher Sam at tingnan ang malaking pagbabago sa kanyang katawan. Kung nais mong makatanggap ng mga bagong balita, viral videos, at nakakatuwang kwento, pumunta lamang sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel