Di pa rin tigilan! Vicki Belo, matagal nang kinumpirmang siya ang 'biological mother' ni Scarlet Snow

Di pa rin tigilan! Vicki Belo, matagal nang kinumpirmang siya ang 'biological mother' ni Scarlet Snow

- 100% na anak nina Hayden Kho at Dra. Vicki Belo si Scarlet Snow

- In vitro Fertilization ang tawag sa proseso ng pagbuo kay Scarlet na kinailangan ng surrogate mother at iyon ay isang Mexican-american na naka-base sa Amerika

- Pinabulaanan din ni Dra. Vicki na di manlang nila nakilala ang surrogate mother ni Scarlet Snow

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ngayong tatlong taong gulang na si Scarlet Snow, di pa rin mamatay ang issue na hindi si Dra. Vicki Belo ang totoong ina nito.

Nalaman ng KAMI na taong 2016 pa lang nilinaw na ng celebrity doctor na 100% anak nila ng asawang si Hayden Kho ang napakabibong si Scarlet.

Ayon sa ABS-CBN, in vitro fertilization ang tawag sa proseso ng pagbuo sa isang surrogate baby na gaya ni Scarlet. Sa prosesong ito, kumuha ng egg cell mula kay Dra. Vicki at sperm cell mula naman kay Hayden at isang surrogate mother ang magdadala nito.

Pinabulaanan din ni Dra. Vicki na ni minsan ay di manlang nila nakita ang surrogate mother ni Scarlet na isang Mexican-American na naka-base sa Amerika.

Katunayan pa raw, dinlaw nina Dra. Vicki at Hayden ang surrogate mother ni Scarlet noong nasa ika-limang buwang pagbubuntis nito sa celebrity baby.

Sa mismong kabuwanan pa ng pangnganak kay Scarlet hanggang sa maipanganak ito at naroon sina Dra, Vicki at Hayden sa Amerika para samahan ang surrogate mother ng kanilang anak.

Ipinanganak si Scarlet Snow noong Marso 3, 2015.

Sa binyag pa noon ni Scarlet tumayong ninang niya sina Anne Curtis, Jodi Sta. Maria at Dyan Castillejo.

Ngayon, isa na si Scarlet sa pinaka-sikat na celebrity babies ng Pilipinas.

Sa katunayan, mayroon na siyang 2.3 milyon followers sa kanyang instagram page dahil sa mga kaabang-abang na mga pictures at videos niya na talaga namang nakaka-good vibes.

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do?

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel