Nakaka-inspire talaga! Jeepney driver, naigapang ang baon at nakapagtapos ng kolehiyo
- Isang batang jeepney driver ang nagbahagi ng kanyang karanasan kung paano niya napagsabay ang pag-aaral at pamamasada
- Anak ng jeepney driver din si Gary Roque, at kapag nagpahinga na ang kanyang ama sa pamamasada, siya naman ang naglalabas ng kanilang jeep
- Nag-viral ang post na ito sapagkat maraming netizens ang humanga sa diskarte sa buhya ni Gary
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Binahagi ng facebook user na si Gary Roque ang kanyang pinagdaanan bilang isang jeepney driver na nag-aaral sa kolehiyo.
Nalaman ng KAMI na nakapagtapos si Gary at naiga[ang niya ang kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng pamamasada ng kanilang jeepney.
Ayon sa Definitely Filipino, nasa 3rd year college na raw si Gary noong naisipan niyang mamasada para manlang pambaon niya araw-araw.
Kwento pa ni Gary, umuuwi siya mula sa kanyang klase bandang alas singko o alas sais ng hapon o gabi. Mamamasada na siya na aabutin ng hanggang alas dos ng madaling araw.
Tutulog lamang siya ng ilang oras at papasok naman siya sa paaralan sa ganap na ikapito ng umaga.
Aminado si Gary na hindi naging madali ang lahat para sa kanya na minsan pa ay nakaktulog siya sa kanyang klase dala ng puyat.
Dahil sa ganitong sistema, minsan pa raw ay naisip nang sumuko ni Gary. Laking pasalamat lamang daw niya sa kanyang mga propesor na suportado rin ang kanyang pagiging working student.
Dumating din sa punto na naging sugapang driver siya na kahit alam niyang siya ay mali, ginagawa pa rin niya.
Minsan nahuli at 'natiketan' pa raw siya at balak pa niyang lumusot na pambaon naman daw niya ang kanyang pinapasada. Di siya noon napagbigyan ng nanghuli sa kanya.
Lahat ng hirap ng karanasan ni Gary sa pagiging jeepney driver/student ay sulit ngayon na nakapagtapos na siya.
Tunay na isang inspirasyon si Gary sa henerasyon ng mga kabataan ngayon na nakapagtapos na siya sa Bulacan State University sa kursong Bachelor in Industrial Technology major in Computer Technology.
How can we motivate ourselves to work hard and not give up? Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress | BeKami on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh