Aiza Seguerra, binulabog ang social media dahil sa post niya kasama ni Piolo Pascual

Aiza Seguerra, binulabog ang social media dahil sa post niya kasama ni Piolo Pascual

-Aiza Seguerra, pinasaya ang netizens sa kanyang post kasama si Piolo Pascual

-Ibinahagi ng mang-aawit ang larawan nila ni Papa P na at sinamahan ng nakakaaliw na caption

-Nilinaw din ng mang-aawit kung ano ba talaga ang kanyang sekswalidad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang dating child star na ngayon ay sikat na mang-aawit na si Aiza Seguerra ay nagpaingay sa social media dahil sa Instagram story niya kasama si Piolo Pascual. Makikita sa larawan na magkasama ang dalawa habang nasa ASAP na kung saan guest performer ang mang-aawit. Sinabayan nya ang larawan ng caption na “Sing pogi pero `di `sing tangkad.”

Ayon sa Pep.ph, maraming followers ni Aiza Seguerra ang sumang-ayon sa caption ng mang-aawit at sa pagiging transgender man nito. Umani na ng mahigit 5k likes ang nasabing post at inulan din ng magagandang komento.

Matatandaan din na nilinaw ni Aiza Seguerra ang kanyang tunay na seksuwalidad. Sabi ng dating child star, siya ay isang transgender man. Kahit na ipinanganak siyang may-ari ng babae, itinuturing pa din nya ang sarili niya na isang transgender man.

Ayon pa sa dating Eat Bulaga Little Miss Philippines, nadidismaya pa din siya dahil may ibang tao na ang tingin pa din sa kanya ay isang tomboy at ipinakita niya ito sa isang post niya sa kanyang Instagram account.

Si Aiza Seguerra ay isang sikat na child actor at mang-aawit. Siya ay ikinasal kay Liza Diño noong December 8, 2014 sa California. At noong January 8, 2015, muli silang nagpakasal dito sa Pilipinas. Siya din ay itinalaga ni Presidente Rodrigo Duterte bilang Chairperson of the National Youth Commission of the Philippines at nagsilbi mula Agusto 12, 2016 hanggang Abril 5, 2018.

Gusto mo bang gawing masaya ang iyong araw? Panuorin kung paano gawing nakakaaliw ang mga movie titles gamit ang salitang fart. Kung gusto niyo ng mga bagong balita, nakakaaliw at nakakatawang kwento at videos, dito ka lang sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Former Asia's Got Talent finalist Gerphil Geraldine Flores gets engaged to her boyfriend of nine years

Former Asia's Got Talent finalist Gerphil Geraldine Flores gets engaged to her boyfriend of nine years

Former Asia's Got Talent finalist Gerphil Geraldine Flores gets engaged to her boyfriend of nine years
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel