Nakakadurog ng puso makita isang bata nangangalakal para baon sa eskwelahan
- Dapat ang mga bata ay nag-eenjoy lang sa pagkabata at nag-aaral sa eskwelahan at hindi na kailangan isipin pa ang kumita para pambaon.
- Pero hindi para kay Julito, isang 12 years old na batang lalaki sa Sitio Wawa, Barangay San Rafael Rodriguez, Rizal.
- Kailangan nyang mangalakal sa pamamagitan ng matiyagang pagbubuhat ng halos 30 kilos ng saging araw-araw at umaakyat ng bundok at tatawid ng pitong ilog para lamang kumita ng pera para pambaon at sa pamilya nya.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakakamahanga na nakakalungkot makita ang isang bata na kailangan kumayad ng sobra sobra para lang may pambaon sa eskwelahan at ito ang nakakaantig sa damdamin na istorya ng 12-year-old na si Julito.
Habang ang ibang bata ay gumigising na handa na lahat pati baon, si Julito ay kailangang gumising ng maaga para mangalakal ng kilo-kilo ng saging.
Ayon sa bata, isang oras ang nilalakad nya para mangalakal at hindi basta basta ang nilalakad ng dose anyos na bata.
Kailangan nyang dumaan sa mga matarik na bundok at pitong ilog sa araw-araw nya na pangangalakal.
Sa panayam ng reporter ng 'GMA' na si Marisol Abdurahman ay dalawang oras ang nagugul nila lahat-lahat sa umpisa at pagtapos ng pangangalakal.
Dala-dala ng bata ang halos 30 kilos na saging, umaakyat ng bundok at sumusulong ng pitong ilog para lamang kumita sya ng pera para sa kanyang pambaon sa eskwelahan.
Kitang-kita sa reporter na napapagod at basa-basa sa pawis pero si Julito parang hindi makitaan na napapagod sa pagdadala ng ilang kilo ng saging at paglakbay ng malayo.
Kaya naman hindi naiwasan ni Marisol na magtanong sa sarili habang naglalakbay sila at tinitingnan ang dose anyos na bata na:
"Habang pinagmamasdan ko ang dose anyos na si Julito, hindi ko maiwasan matanong kung paano nya kinakaya ang gawaing kahit para sa matanda ay mahirap."
Panoorin ang nakakaantig at nakakamangha na buhay ng dose anyos na si Julito
Nakakadurog nga sa puso ang makita ang sitwasyon ng dose anyos na bata na kailangang kumita para sa kanyang pambaon.
Nakakalungkot na kailan nyang gawin ito na dapat sana ay pag-aaral lang ang dapat ang kanyang inaalala.
Isang pampa-good vibes naman, meron na namang nakakaaliw na video na ginawa KAMI na tiyak naman ay talagang mala-laughtrip ka.
Kung ikaw ang tatanong "What if you replace one word in a movie title with the word 'fart'?"
Watch more HumanMeter videos on YouTube
Source: KAMI.com.gh