Pak na pak! DOT Sec Puyat pinag-utos na wala ng pa-birthday jacket
- Marami ang humanga ngayon sa bagong 'Department of Tourism (DOT)' Secretary na si Bernadette Romulo-Puyat.
- Pagkatapos kwestyonin ang 'Buhay Carinderia,' ngayon naman ay waging-wagi ang DOT Secretary dahil pinatigil nya ang pagbibigay ng pa-birthday jacket sa mga DOT celebrants.
- Nalaman namin na kamakailan lang ay gusto pala niya na paimbestigahan ng 'Commission of Audit' kung paano daw ginugol ang pondo ng 'Departmet of Tourism.'
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naispatan ng KAMI ang headline sa balita ngayon ay ang sinabi ni 'Tourism Secretary' Puyat na itigil ang pagkuha ng 863 customized na reversible jackets na nagkakahalaga ng 1.2 million, na pinahintulutan daw ng dating pamumuno ng DOT.
Ayon kay Puyat sa isang text message sa 'PhilStar Global' kung saan galing ang balitang ito:
“Definitely, hindi yan matutuloy (it will not push through) under me."
Ideniny din ng secretary ang balita na nag-uumpisa na daw ang mga DOT employess na magsukat sa nasabing pa-birthday jackets.
Ang pabirong tugon umano ng secretary:
“Naku, kaka-birthday ko lang. Bakit ako wala? (My birthday has just passed. Why didn’t I get one?)”
Ayon din sa balita na ang mga jackets daw ay dinideliver taga 15th ng buwan simula noong Mayo at hanggang October ngayong taon na ito.
Ngayon ay pinag-utos ni Puyat na ang suspensyon ng lahat ng mga proyekto ng DOT na naghihintay ng pagsusuri.
Kaya ngayon ay wala ng pa-birthday jackets sa mga employees ng DOT ayon na din sa utos ng Tourism Secretary.
Ayon din sa balita, ang DOT Undersecretary and chairman of the bids and awards committee na si Kat de Castro ay inaprubahan ang isang imbitasyon na mag-bid para sa pagkuha ng mga jackets na nagkakahalaga ng P1,294,500.
May nagbiro naman na netizen na nagcomment at ang sabi
"bawat may birthday papuntahin na lang sa WOWOWIN para "bigyan ng jacket yan" !"
Si Bernadette Romulo-Puyat ay itinakda ni President Rodrigo Duterte noong buwan ng Mayo ngayong taon na baong Tourism Secretary.
Dati syang 'Undersecretary for Special Concerns' sa 'Department of Agriculture' sa panahon ng Aquino administration, ayon sa impormasyon nakuha namin sa 'Inquirer.'
Sa kabilang dako, sabi nila kailangan daw natin ng pera para maging masaya kaya ang tanong ngayon ay kung magkano ba talaga ang pera na kailangan natin para maging masaya.
Panoorin ang mga sagot ng ilang netizens sa tanong na ito sa video sa ibaba.
Watch more HumanMeter videos on YouTube here
Source: KAMI.com.gh