Hinahangaan ang isang bulag na ama na nagsusumikap para sa mga anak

Hinahangaan ang isang bulag na ama na nagsusumikap para sa mga anak

- Nagviral agad-agad ang kwento ng isang ama na bulag na nagsusumikap sa kabila ng kapansanan para buhayin ang anim na mga anak.

- Wala pang ilang minuto sa pagpost ng video nya ay umani agad ito ng libu-libong views, likes, shares at daan-daang comments sa Facebook.

- Talaga namang nakakahanga ang ulirang ama na isang inspirasyon lalo ngayong buwan ng mga tatay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Tatay Arnel Albino ang hinahangaan ngayon sa social media dahil sa kanyang pagiging ulirang ama.

Hindi alintala ang kapansanan ay kumakayod siya para buhayin ang kanyang anim na anak.

Kung ang iba ay madali na lang sumuko, ang pagmamahal na meron si Tatay Arnel sa kanyang mga anak ang naging motivation nya para sya ay magpatuloy sa buhat at magsumikap.

Ayon sa balita na nakuha ng KAMI sa 'ABS-CBN News' Facebook page, isinilang si Tatay Arnel na may glaucoma.

Dahil daw dito ay unti-unting lumabo hanggang nabulag ang kanyang mga mata.

Pero sa kabila ng kanyang kapansanan ay nagsisikap pa rin ang ama na itaguyod ang kanyang mga anak.

Iniwan daw si Tatay Arnel ng kanyang asawa kaya naman siya na lang ang nag-aalaga sa anim nyang anak.

Kasama naman nya ang anak sa paglalako ng ice cream.

Tingnan ang buong kwento nay sa video sa baba:

Marami ang na-antig at humanga kay Tatay Arnel.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Pruod ako kc ang kapatid ko ay bulag din pero naghahanap buhay para sa dalawang anak nya saludo ako sa gaya nla na nag hahanapbuhay ng marangal para sa pamilya nla."
"dpat ganitong mga tao ang binibigyan ng tulong pinansyal ng gobyerno at ng mga medya hindi yung ipapLabas lang pra kunwari nagmamalasakit.."
" Saludo po ako sa inyo tatay...tinataguyod nyo anak nyo mag isa at Di hadlang ang kapansanan nyo para di gawin yun.. The best ka tatay(emojis)"
"Mabuhay po kayo tatay sa kabila ng inyung kapansanan hnde kayo pinanghihinaan ng loob na patuloy lumaban sa hamon ng buhay naway pagpalain po kayo ng poong maykapal saludo po ako sa inyo"

May iba din naman na tinawag ang pansin ni Senator Manny Pacquiao dahil na rin sa tulong na binigay nito kamakailang lang sa isang sorbetero.

"Parang mas.higit nyang kailangan ang tulong sana makita din ni sen.manny pacquiao ang mag aama na ito..mas worst ang buhay nila 6 na anak iniwan ng asawa bulag pa..."
" Sana matulongan din ito ni Sen Pacqiao. Minsan namimigay sya ng pera at house and lot doon sa tindero ng Icedrop."

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here

More HumanMeter YouTube videos here

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin