Yaya Bincai in Josh, binigyan ni Kris Aquino ng kwintas na nagkakahalaga ng mahigit 300,000 Php

Yaya Bincai in Josh, binigyan ni Kris Aquino ng kwintas na nagkakahalaga ng mahigit 300,000 Php

- Muling pinatunayan ni Kris Aquino ang kanyang pagiging mapagbigay

- Kasabay sa kaarawan ng anak na si Josh, binigyan din ni Kris ang yaya na nagsilbi sa kanila ng 10 taon

- Ito ay upang ipakita niya umano ang kanyang pasasalamat sa pagsisilbi at katapatan nito sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagdiwang ng kanyang ika-23 na kaarawan si Josh, ang panganay ni Kris Aquino sa aktor na si Philip Salvador. Kasabay ng kanilang pagdiriwang ay niregaluhan ni Kris si Yaya Bincai ng mamahaling alahas.

Ayon kay Kris, kaya niya ibinigay ang cartier necklace kay Yaya Bincai ay dahil sa pag-aalagang ginawa niya kay Josh ng higit 10 taon.

Ang mga nakakatandang kapatid ni Bincai na sina Gerbel at Raquel ay naging yaya ni Bimby at parehos na umalis matapos nilang maikasal.

Isang Japanese na paniniwala ang nagbigay ng ideya kay Kris kung paanong hindi sila iiwan ni Bincai. Ito ay ibinahagi sa kanya ng lola ng isa niyang empleyado na si Jack Salvador na nagsilbi ding interpreter sa kanila habang sila ay nasa Japan.

“[She] told me that a heart w/ a hole in the middle will never give a single woman lasting love according to a Japanese cultural belief— alam niyo naman ako mabilis ma-convince.

“I’ve had this @cartiernecklace for several years—and double purpose na, to show Bincai our love & gratitude and to make sure she stays w/ us for many more years.”

Ibinahagi din nito ang mga magagandang katangina ng kasambahay.

“It was her discipline that made Kuya lose the 140 lbs & on her weekends off when Raquel calls her because my BP goes haywire or my allergies act up, she immediately cuts short her rest to take care of me.

"Thank you Bincai for really loving us."

Ang kwintas na ibinigay ni Kris ay mula sa Trinity collection ng Cartier na mayroong pendant na tatlong magkakadikit at merong butas sa gitna kagaya ng sinabi ni Kris.

Base sa website ng Cartier, ang mga ganitong disenyo na may pinakakonteng diamante ay nagkakahalaga ng $4,400 o PHP224,400.

Ang binigay kay Bincai ay tadtad ng diamante at nagkakahalaga ng $7,200 o PHP367,200.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Read more news about Kris Aquino here

Tricky Questions: Is Tomato a Fruit?- on HumanMeter

Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. What do people in the Philippines celebrate on June 1st? What is the 11th fruit mentioned in the song Bahay Kubo? Do you want to know the answer? Find out more in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel