Ina ng babaeng matapos manganak ay naging lantang gulay, hustisya ang sigaw sa sinapit ng anak at ng apo na binawian ng buhay

Ina ng babaeng matapos manganak ay naging lantang gulay, hustisya ang sigaw sa sinapit ng anak at ng apo na binawian ng buhay

- Humihingi ng katarungan ang nanay ni Cammille Santos na si Zenaida Santos na managot ang mga doktor sa sinapit ng anak

- 10 buwan na mula nang nanganak ito, at lantang gulay parin si Cammille , walang paningin, di na makasalita at nakaaluktot na ang mga kamay

- Ayon pa kay zenaida, wala na raw doktor ang nagnanais tumingin pa sa anak niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masakit para sa isang ina na makita ang anak niyang tila isang lantang gulay na na, hindi nakapagsasalita, tulala at nakabaluktot na ang mga kamay.

Ito ang sinapit ni Cammille Santos na matapos niyang manganak noong Agosto ng taong 2017, ang dating sigla niya ay biglang naglaho at tuluyan na siyang naging inutil.

Nalaman ng KAMI na nagpost ang ina ni Cammille na si Zenaida Santos sa kanyang facebook upang humingi ng tulong sa sinapit ng anak.

May larawan pa si Cammille bago ipasok ng operating roon kung saan idadaos ang operasyon ng kanyang panganganak dahil cesarean siya.

Ngunit laking gulat na lamang ng kanyang ina nang bumalik ito mula sa panganganak na parang isa nang lantang gulay.

Ayon pa kay Zenaida, nasa Tarlac provincial hospital pa rin sila at wala na raw doktor na nangangahas tumingin sa sitwasyon ni Cammille.

Mariing sinabi ni Zenaida na hindi siya humihingi ng tulong pinansyal kundi hustisya sa sinapit ng anak niya.

Dahil bukod sa sinapit ni Cammille, namatay din ang baby nito dalawang araw matapos nitong manganak.

Narito ang kabuuang post ni Aling Zenaida.

Nagdemanda na raw sina Zenaida sa mga doktor na gumawa nito sa kanyang anak ngunit hanggang ngayon ay wal paring itinakbo ang kaso.

Awang awa na raw kasi si Zenaida sa kanyang anak na payat na payat na kaya naman gusto niyang managot talaga ang mga diktor na siyang salarain ng sinapit ng anak.

Harassment: the great fear of every woman. How would you define the harassment? Do the men’s views on this problem differ from the women’s views? How many women have been harassed on the Philippines? Have You Ever Been Harassed? Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI Youtube Channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica