6 na mamahaling mga kotse ni Manny Pacquiao na katas ng kanyang pinaghirapan
- 6 na mamahaling kotse ang ibinida sa aitn ng isa sa pinakamayamang tao sa Pinas na si Sen. Manny Pacquiao
- Bukod sa mga mgagandang bahay, kotse rin ang kinolekta ng 'Boxing Senator'
- Talagang kakaiba at mamahalin ang mga napiling sasakyan ni Sen. Manny
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!Bagaman at minsang nakikwestyon sa mga nakikitang gamit, bahay at kotse, ipinakita pa rin ng boxing Senator Manny Pacquiao ang ilan sa kanyang mga mamahaling sasakyan na katas naman talaga ng kanyang pinaghirapan.
Nalaman ng KAMI na bukod sa mga bahay, kotse rin ang kinokolekta ni Sen. Manny.
Narito ang anim na magagara at talaga namang may tumataginting na presyo na mga kotse ni Manny Pacquiao.
1 Mitsubishi Pajero
Ayon sa report, ito raw ang kauna-unahang nabili ng Senador noong nagsisimula pa lamang siya sa kanyang boxing career.
2. Lincoln Navigator
Ito raw ang isa sa mga paboritong sakyan ni Sen. Manny. Madalas daw niya itong gamit pag pumupunta siya sa kanyang training.
3. Ferrari 458 Italia
Nabalitang sikat ang kotseng ito sa mga celebrities at meron din ang ating Pambansang kamao at maging ang international artist na si Justin Bieber ay mayroon din nito.
4. Mercedes SL550
Agaw eksena ang vintage car na ito ni Sen. Manny na mapapalingon ka talaga pag ito ay dumaan.
5. Hummer H2 na may plaka pang 'PACMAN'
Ayon sa world-class boxer pinili niya ni ito para sa kanyang seguridad at ng kanyang pamilya.
6. Porsche Cayenne Turbo S
Ito raw ang kotseng nabili niya nang talunin niya si Erik Morales
Samantala, narito naman ang video ni Manny nang halos kuyugin na siya ng fans habang nagpapa-gasolina.
Source: KAMI.com.gh