Nawindang ang isang netizen ng makita ang 100-peso bills na winithdraw nya sa ATM ng isang bangko sa Quezon City

Nawindang ang isang netizen ng makita ang 100-peso bills na winithdraw nya sa ATM ng isang bangko sa Quezon City

- Ayon sa kwento, ang netizen ay isang 'You Scooper' ng 'GMA News' na si Reina Jean Prescillas na taga Quezon City ay nagulat sya ng makita ang hitsura ng 100-peso bills na winithdraw nya.

- Noong una, hindi daw nito napansin ang kakaiba sa pera pero noong dumating na sya sa bahay ay doon lang niya napagtanto na may kakaiba sa bills na nakuha nya.

- Sa dalawang 100-peso bills na pinakita nya sa nasabing news station ay makikita na may depekto ang mukha ng dating Pangulong Manuel Roxas.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pagsasalaysay ng netizen na si Reina Jean ay nagwithdraw daw sya ng sa isang Automated Teller Machine sa isang bangko sa Quezon City kahapon lamang.

Hindi raw niya napansin ang kakaiba sa nasabing 100-peso bills agad-agad hangang sa nakauwi na sya ng bahay nila.

At iyon na nga ang kanyang nakita, may depekto sa mukha ng dating Pangulong Manuel Roxas, as shown above.

Kitang kita sa larawan na kinuha at shinare ni Reina Jean sa 'YouScoop' Facebook page na parang may hiwa sa ibabaw ng labi sa facial print ng nasabing dating pangulo.

Ang problema ay hindi lang ito isa kung hindi dalawa, ayon na din sa mga pictures na shinare ng 'YouScooper' na si Reina Jane.

Ayon din naman sa balita, inireklamo na daw ito ni Reina Jean sa bangko na nagmamay-ari ng ATM kiosk kung saan niya nakuha ang mga nasabing 100-peso bills.

At ayon din naman nya, nakikipag-usap na raw ang naturang bangko sa kanya tungkol dito.

Nagviral ang nasabing post at umabot ito ng libu-libong likes, comments at shares.

Samu't sari ang mga reaksyon ang natanggap ng post na ito at talaga namang pinag-uusapan.

Watch more HumanMeter YouTube videos

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin