16 anyos nang nabuntis, ngayon super proud sa anak na may napakaraming award sa graduation day
- Binahagi ni Lhen Rustria ang kanyang kwento kung paano siya hinusgahan ng mga tap dahil sa maaga niyang pagbubuntis
- Inamin ni Lhen na hindi naging madali na harapin ang mga taong napakaraming sinasabi sa kanya dahil lang sa nabuntis siya sa edad na 16
- Ngayon, super proud naman siya sa ipinagbuntis niya noong siya ay 16 taong gulang pa lamang dahil napakahusay naman nito sa eskwelahan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isa na yata sa pinakamasaklap na maaring mangyari sa isang taoo ay husgahan ka nang di naman nila nalalaman ang totoong pagkatao mo.
Minsan, dahil lamang sa isang bagay na sa tingin nila ay iasng pagkakamali kaakibat na nito ang matinding pangungutya at pangmamaliit dahil lamang sa iyong nagawa.
Gaya na lamang ng nangyari kay Lhen Rustria na nabuntis sa edad na 16 taong gulang.
Napakarami niyang narinig na masasakit na salita mula sa mga tao sa paligid niya dahil lamang sa isang inaakala nilang 'pagkakamaling' nagawa niya.
Ganun pa man, ni minsan ay di sumagi sa isip ni Lhen na ipalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.
Hindi niya dinamdam ang mga salitang kanyang narinig, bagkus ay inalagaan niya ang kanyang sarili at ang batang dinadala niya.
Ngayon, ilang taon na ang nakalipas, ang batang kanyang ipinagbuntis noong siya ay 16 taong gulang pa lang ay nagpamalas na ng kahusayan sa pag-aaral dahil sa dami ng nakuha nitong award sa kanilang recognition day.
Dito mas lalong naisip ni Lhen na wala siyang pinagsisisihan sa lahat ng nangyari sa kanya. Laking pasalamat pa niya na nabiyayaan siya ng matalinong anak at mayroon na siyang pamilyang tunay na sumusuporta at nagmamahal ano pa man ang pinagdaanan niya sa buhay.
Narito ang kabuuang salaysay ni Lhen na binahagi niya sa KAMI.
Inaamin ko.... Isa ko sa mga maagang naging isang Ina...
16 years old lang ako ng malaman kong buntis ako...
Graduating pa ko that time...
Andaming pumasok sa isip ko...
*kaya ko ba?
*paano na?
*anong gagawin ko?
*anong sasabihin nila?
*ano na?
Etc. Etc. Etc.
Pero proud akong sabihing kahit bata pa ko nung mga panahong yon... NiMinsan hindi pumasok sa isip kong ipalaglag at patayin ang batang nasa sinapupunan ko...kahit alam kong malaking responsibilidad ang pagiging isang ina... Pinili ko pa ring ipagpatuloy ang buhay...
Its a child... Not a choice...
Blessing yun eh... Di naman ibibigay sakin yun ni God kung hindi ko kaya...
Patuloy lang ako sa buhay...
Pero hindi ko na pinagpatuloy ang pagaaral ko... Sinakripisyo ko dahil sa maselan kong pagbubuntis...
Nung una... Hirap ang mga magulang kong tanggapin ang mga pangyayari sa buhay ko...naiintindihan ko naman sila dahil nakakasama naman talaga ng loob ang mga nagawa ko...
Akala ko noon wala ng direksyon yung buhay ko...
Pero nagkamali ako...
Unti unting lumaki ang tyan ko hanggang sa marami na akong naririnig sa mga tao na....
"ay sayang to,matalino pa naman... "
"tsk. Tsk. Tsk. Sinayang nya buhay nya... "
"ang aga namang lumandi nyan... "
"yan kasi antigas ng ulo... "
"yan ang napapala ng pasaway"
"pinagaaral... Lumandi... "
....lahat na ata ng panlalait,paninisi,at kung ano anong masasakit na salita narinig ko na....
Pasok sa isang tenga... Labas sa kabila...
Anong gagawin ko?
Andito na to eeh...
Kayo ba bumubuhay sakin?
May naitutulong ba kayo sakin?
May napapala ba ko sa inyo?
Tsssss... Sagana sa salita akala mo ang gagaling...
Tinuloy ko parin ang pagbubuntis ko kahit kung anu ano pa ang mga bagay na naririnig ko...
Salamat sa Diyos dahil di nya kami pinabayaan ng anak ko...
Nagsilang ako ng isang napakagwapong batang lalaki...
Nung una ko palang marinig ang iyak nya... Alam ko na ako na yata ang pinakaswerteng tao dahil binigay sya ng Diyos sakin...
Nagkaroon nang direksyon ang buhay ko dahil sa kanya... Pinilit kong buhayin sya magisa dahil makalipas ang tatlong taong pagsasama namin ng kanyang ama... Naghiwalay din kami...
Patuloy lang sa buhay...
Kahit anak ko na sya.... Pinagpatuloy ko yung pagaaral ko hanggang sa makatapos ako...
Kaso hanggang highschool lang dahil dina kaya ng budget...
Muli akong binigyan ng Diyos ng isang lalaking makakatuwang ko sa buhay...
by this time... Alam kong sya na talaga...
Ngayon dalawa na ang anak ko...
Isang 5 years old at isang 9months old....
Napakaswerte kong tao dahil yung batang dinadala ko sa aking sinapupunan dati makikita ko sa stage na ggraduate ng kinder...
Hindi lang basta ggraduate... Dahil isa sya sa pinakamahusay sa klase... Napakarami nyang award at sobrang proud ma proud ako sa kanya....
Wala na atang mas sasaya pa sa isang magulang na nakitang may naaachieve ang kanyang anak...
Sa mga oras na naglalakad sya sa entablado at tumatanggap ng mga award...ako na ata ang pinakaswerteng tao...
Sobrang blessed ako sa buhay na pinili ko...
Sobrang blessed kami ng pamilya ko...
Salamat sa Diyos at salamat din sa mga taong Nagtiwala at Nagmamahal samin...
Umpisa pa lang to....
Marami pang darating...
Thank you po...
LHEN
Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. Tricky Questions: Is Tomato a Fruit? | HumanMeter on KAMI Youtube Channel.
Source: KAMI.com.gh