Ito ang dati niyang buhay! Simple at ordinaryong buhay ni Meghan Markle bago pa siya ikasal kay Prince Harry

Ito ang dati niyang buhay! Simple at ordinaryong buhay ni Meghan Markle bago pa siya ikasal kay Prince Harry

- Usap-usapan ngayon sa buong mundo si Meghan Markle

- Dating isang commoner lang at ngayon ay isa ng Duchess of Sussex

- Marami ang gustong makaalam kung sino nga ba talaga si Meghan at ano ang buhay niya noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bago pa naging Duchess of Sussex si Meghan Markle dahil napangasawa niya si Prince Harry, ay may simple at ordinaryong buhay lang ito.

Nalaman ng KAMI na ipinanganak siya noong August 4, 1981, at Rachel Meghan Markle, ang kanyang buong pangalan.

Simple at ordinaryong buhay ni Meghan Markle bago pa siya ikasal kay Prince Harry

Simple at ordinaryong buhay ni Meghan Markle bago pa siya ikasal kay Prince Harry (Photo: TRAE PATTON/NBC)

Pinanganak at lumaki si Meghan sa Los Angeles, California, at nakapagtapos ng theatre at international studies sa Northwestern University noong 2003. Ang kanyang ama na si Thomas Markle Sr., ay isang retired TV director of photography and lighting habang isa namang social worker at yoga instructor ang kanyang ina na si Doria Ragland. Nag-divorce ang kanyang magulang noong 6 years old palang siya.

Ganito ang pag-describe ni Meghan sa kanyang ethnicity, "My dad is Caucasian and my mom is African American. I'm half black and half white. ... I have come to embrace this and say who I am, to share where I'm from, to voice my pride in being a strong, confident, mixed-race woman."

Hindi maiwasang ikumpara sa isang fairy tale ang buhay ni Meghan na isang commoner at isa pang divorcee. Kasal na noon si Meghan kay Trevor Engelson, isang film producer, pero matapos ang 2 taon ay nag-divorce silang dalawa citing 'irreconcilable differences' noong August 2013.

Bata palang si Meghan ay very vocal na siya sa kanyang opinyon, sa katanuyan noong siya ay 11 years old palang ay na-feature siya sa Nickelodeon news dahil nagpadala siya ng letter sa company ng dishwashing liquid. Ito ay matapos niyang ma-offend sa kanilang advertisement na sinasabi ang, "women all over America are fighting greasy pots and pans."

Naging isang 'briefcase girl' din siya sa US version ng Deal or No Deal.

Mapapanood sa video na ito mula sa YouTube channel ng WalrusRider ang kabuuan ng report patungkol sa nakaraan ng Duchess of Sussex na si Meghan.

Watch the video below:

Lumang photo ni Meghan na malayong-malayo sa itsura niya ngayon.

Ang suwerteng babae! Simpleng buhay ni Meghan Markle bago pa siya ikasal kay Prince Harry

Ang suwerteng babae! Simpleng buhay ni Meghan Markle bago pa siya ikasal kay Prince Harry (Photo: Kamie Crawford)

Si Prince Harry ay ang pangalawang anak nina Prince Charles at Princess Diana. Nagsimula ang relasyon nina Prince Harry at Meghan Markle, na dating isang aktres, noong June 2016. Nag-release ang royal family ng kanilang official statement patungkol sa relasyon nila noong November 8, 2016.

Naganap ang royal wedding sa pagitan nina Prince Harry at Meghan Markle nitong Sabado, May 19.

Today, we are going to ask individuals from the Philippines whether they think a tomato is a fruit or a vegetable. What is your opinion? Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. What do people in the Philippines celebrate on June 1st? What is the 11th fruit mentioned in the song Bahay Kubo? Do you want to know the answer?

Tricky Questions: Is Tomato a Fruit? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Family Is Love! ABS-CBN Christmas Station ID 2018, dinumog ng mga Kapamilya fans

Family Is Love! ABS-CBN Christmas Station ID 2018, dinumog ng mga Kapamilya fans

Family Is Love! ABS-CBN Christmas Station ID 2018, dinumog ng mga Kapamilya fans
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel