Anne Curtis napahanga ang mga tao sa totoong ugali niya ng malaman na meroon syang tagahangang pinagtapos sa kolehiyo

Anne Curtis napahanga ang mga tao sa totoong ugali niya ng malaman na meroon syang tagahangang pinagtapos sa kolehiyo

- Nagulat ang lahat ng malaman ang kabutihang loob ng 'Princess of All Media' na si Anne Curtis.

- Dati-rati, marami ang mga kwento at balita tungkol daw sa 'bratty' attiude ng 'Dyosa' dahil daw sa mapagmataas nito.

- Pero ngayon parang sampal sa pagmumukha ng lahat ng naninira sa 'It's Showtime' host dahil ngayon pinakita nito na maling-mali sila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ika nga, 'don't judge a book by its cover,' ito na marahil ang pinakamahusay na paglalarawan sa mga taong matagal ng naninira sa 'Yun o. Sid & Aya (not a love story)' actress na si Anne Curtis.

Ilang ulit na din natin narinig natin ang mga hindi magagandang paglalarawan sa kanya.

Ngayon ay tila malaking sampal sa mukha ng kahihiyan ang mga taong dati-rati pilit hinihila pababa ang aktres sa mga kwentong hindi maganda tungkol sa pag-uugali nito.

Natuklasan ng KAMI ang magandang kwento na ito tungkol sa 'other side' ni Anne Curtis sa PEP.

Binati ni Anne Curtis ang isang nyang tagahanga na si Sareena Calonzo dahil sa pagkamit ang isa sa pinakamalaking pangarap at iyon ay ang tapusin ang kanyang pag-aaral.

Inapload ng tagahangang iskolar ni Anne ang kanyang graduation picture sa Instagram at nag-caption:

"THIS IS IT! CAN’T THANK YOU ENOUGH, ATE ANNE!"

Ang mga followers at kaibigan din ni Sareena ay umaapaw ang kaligayahan at paghanga sa dalaga sa pagtatapos ng kolehiyo.

Sa parte naman ni Anne, ipinahayag niya ang kanyang paghanga at pagiging proud sa kanyang tagahangang iskolar na isa ng degree holder.

Ginawa ito ng aktres sa kanyang Instagram story at doon sinabi nya:

"Several years ago, I met a girl named @sareenacalonzo. She would come to my mall shows, come watch Showtime, and hang out with @realf2 if we had gatherings."

Dagdag pa ng Kapamilya star:

"She has ALWAYS been a loyal supporter of mine..And one day, the time came she needed my support...I have always had faith in her. And wanted to help her in pursuing her biggest dream.."

At pinakita ng aktres ang isang 'booklet' na may nakasulat na pagsasalamat galing sa Miriam College sa mga sponsors ng mga graduate students at nandoon nga ang pangalan ni Sareena at Anne Curtis bilang kanyang tagapagtaguyod sa pag-aaral ng kolehiyo.

Hindi din kinalimutan ni Anne na magbigay ng payo sa kanyang tagahangang iskolar.

Ang sabi nya sa kanyang mensahe:

"@sareenacalonzo May you be an inspiration to others that that there is never a mountain too high or a dream too big. And may you always PAY IT FORWARD one day and make someone else's dream come true too."

Hindi nakadalo si Anne sa graduation ni Sareena noong May 26 sa Miriam College.

Ang tagahangang iskolar ay bahagi ng proyekto ng aktres na 'Dream Machine Philippines.'

Ang ibanga tagahanga ay binati ang tagahangang iskolar at napahanga din sa magandang loob na pinakita ni Anne.

Hindi alam ng lahat ang magandang proyekto ng aktres.

Ito ang ilang mga reaksyon galing sa netizens para kay Anne Curtis:

"kaya ka pinagpapala ms anne..im admiring u more and more..with a goodheart beautiful actress"
"Made me love you even more"
"Wow Congratulations po ang bait talaga ni ate Anne"
"So kind of you Ma’am, GOD Bless"

Ngayon siguro mag-iisip na ang mga bashers niya na maraming beses na sirain ang magandang aktres dahil sa nakakahangang rebelasyon na ito.

Check out more videos on BeKami YouTube

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin