Baby ni Jolina Magdangal lagpas sa edad ang timbang dulot ng gestational diabetes

Baby ni Jolina Magdangal lagpas sa edad ang timbang dulot ng gestational diabetes

- Nagpa-ultrasound si Jolina Magdangal kamakailan lang

- Nalaman niyang lumagpas ang weight ng baby niya sa edad nito, isang bagay na dulot ng gestational diabetes

- Dahil dito, nabahala ang inang nag-aantay na lang ng paglabas ng baby niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpa-ultrasound si Jolina Magdangal dahil malapit na siyang manganak at kailangan nang i-monitor ang baby niya.

Nalaman ng KAMI na lumagpas nang konti ang weight ng baby niya sa edad nito.

Sabi ni Jolina sa post niya, okay naman daw si Baby Vika, kaya lang dahil nga hindi regular yung weight ng baby, nababahala daw siya.

Nag-express pa si Jolens na hirap daw pag may gestational diabetes, kasi daw, kahit kontrolado mo ang pagkain, hindi mo raw talaga masasabi yung effect sa baby.

Malapit nang manganak si Jolens kung kaya't tutok na masyado ang mommy sa baby niya.

Binibigyan din ni Jolina ng tamang atensyon ang apat na talong gulang na anak niyang si Pele.

Kamakailan lang ibinahagi ni Jolens ang struggle nilang mag-asawa sa pag-explain sa bata kung bakit di na ito puwedeng matulog sa tabi nila.

Thankfully, nakahanap naman ng paraan ang mag-asawa.

Si Jolina Magdangal ay isang sikat na Pinay actress at singer.

Siya'y parte ngayong ng Magandang Buhay, isang morning talk-show sa ABS-CBN.

Malapit nang manganak ang aktres sa pangalawa niyang baby.

Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel