Pres. Duterte muntik nang magpasuri sa isang psychiatrist
- Muntik na raw patulan ni Pres. Duterte ang hamon ng UN Chief
- Hinamon kasi ang presidente na dapat magpasuri ito sa psychiatrist
- Naantala lang ito dahil sa pag-aantay ng bansa sa dalawang attack helicopters
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Munti nang patulan ng Pangulong Duterte ang mga hamon sa kanya ng UN Human Right Chief Zeid Ra'ad al Hussein.
Nalaman ng KAMI na hinamon ni Hussein ang Presidente na magpasuri na daw ito sa psychiatrist.
Ayon sa Radyo Inquirer, sunud-sunod daw na pamababatikos ang naranasan ng presidente kay Agnes Callamard, ang special rapporteur ng UN.
Sinabi daw ng Pangulo na pinigilan lang siyang gawin ito ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na patulan si Zeid dahil daw ito ay kamag-anak ni King Abdullah ng Jordan.
Matatandaang may kinukuhang dalawang cobra attack helicopter na ibibigay ng Jordan.
“I was criticized by a human rights commissioner, or the highest guy. And he said, “maybe Duterte needs to go to the psychiatrist."
So pinayuhan ni Esperon ang pangulo na tanggapin na lamang daw ang mga insulto sa kanya.
"I would have wanted to but Esperon said, “no, do not do it. Maybe mayor, you can swallow insults.”
Natanggap na ng Pilipinas ang dalawang attack helicopters galing Jordan nitong May 22.
Hindi raw kaya ng bansa na bilhin ang mga ito dahil mahal daw.
Naging sentro ng kontrobersiya sa UN si Duterte dahil sa away nito sa droga.
Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.
Source: KAMI.com.gh