Ina, pinasan paakyat ng entablado ang anak na may kapansanan sa pagtanggap nito ng diploma sa kanyang Pagtatapos
- Nag-viral ang kwento ng isang nanay na pasan sa likod ang kayang anak na paralisado na ang kalahating katawan sa pagkuha ng diploma nito sa araw ng kanyang pagtatapos
- Araw-araw pala itong ginagawa ng mag-ina sa pagpasok ni Jaylen sa paaralan
- Marami ang naantig at naluha sa kwento nina Crestina at Jaylen at hinangaan ang katatagan at pagmamahal nila sa isa't isa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Talagang marami ang naantig sa kwento ni Jaylen Lee na siyang pinasan ng kanyang ina pag-akyat nito sa entablado para tumanggap ng kanyang diploma na katibayan ng kanyang pagtatapos ng high school.
Di lang pala ito ang unang beses na pagpasan ng inang si Kristina kay Jaylen, katunayan araw-araw pa niya itong ginagawa papasok sa eskwelahan at maging pag-uwi pabalik sa kanilang tahanan sa kagustuhan ni jaylen na makapag-aral at makatapos.
Nalaman ng KAMI na ang mag-ina ay taga-Alabel, Sarangani Province.
Hindi na talaga makalakad si Jaylen na may timbang na 44 kilos, kaya naman kahit hirap pinapasan na lamang siya ng kanyang ina saan man sila magtungo lalo na kung ito ay sa paaralan.
Minsan pa nga niyang naitanong sa ina kung napapagog na ito kakabuhat sa kanya, simple lang ang sagot ng kanyang ina sa kanya, "Hindi ah."
May nakapagsabi na nga kay Crestina na huwag na lamang pag-aralin si Jaylen dahil sa kanilang sitwasyon, ngunit hindi siya pumayag dahil naisip niya, paano nalamang ang kayang anak pagdating ng panahon kung nasa bahay lang.
Ayon din mismo kay Jaylen, gusto niya talaga mag-aral kaya kahit aminado na mahihirapan siya pag wala ang kanyang 'mama' na nagsisilbing mga paa at kamay niya. Minsan na rin niyang naisip na sukuan at bumitaw sa mga pangarap niya, ngunit sa tuwing maiisip niya ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang ina, mas lalo pa niyang pinagsusumikapan ang kanyang mga nais makamtan sa buhay.
Inamin din ni Jaylen na dahil sa kanyang sitwwasyon, madalas siyang nabu-bully ng kanyang mga kababata. Sinasabi na lamang niya sa kanyang sarili, na huwag sumuko dahil kaya naman niyang pagdaanan ang lahat ng pagsubok.
Bukod sa pagpasan sa kanya ng kanyang ina, may 15 taong gulang na 'kabayo' ang nagsilbing katuwang ng kanyang ina sa paghahatid sa kanya sa paaralan.
8 taong gulang si Jaylen nang siya ay tamaan ng polio, kaya noong siya ay 15 taong gulang tuluyan nang naparalisa ang kanyang mga paa, dahilan para si na siya makalakad.
At dahil nakapagtapos na si Jaylen ng Senior High, Napagkalooban naman siya ng full scholarship para sa pag-aaral ng kolehiyo sa kahit anong kursong kanyang nais. Di lang iyon, makatatanggap din si Jaylen ng buwanang allowance na 5 libong piso.
Narito ang video ng Kapuso mo Jessica Soho kung saan napanood ang kwento ni Jaylen ni na nakuha ng KAMI sa Youtube.
In this episode of BeKami, amazing Chrystally, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work. 3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystallу | BeKami on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh