Itinago pa sa loob ng 8 buwan! Senior High na ina, matapang na nalampasan ang tukso na ipatanggal ang anak sa sinapupunan

Itinago pa sa loob ng 8 buwan! Senior High na ina, matapang na nalampasan ang tukso na ipatanggal ang anak sa sinapupunan

- Binahagi ni Kelly Reyes kung paano niya nagawang itago ang kanyang pagbubuntis sa loob ng 8 buwan

- Inamin niya na tinangka niya niyang ipalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan at ginawa na niya ang lahat ng paraan ngunit matinid ang kapit nito

- Ngayon, mahigit 1 taong gulang na ang kanyang baby at masaya pa rin si Kelly kasama ng ama nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa murang edad na 18, noon ay di pa nakatapos, maagang nabuntis ng di inaasahan at di rin masabi sa ama ng batang dinadala mo, maaring sasagi talaga sa isip mo na ipatanggal na lamang ang bata lalo pa at talagang hindi ka pa handa.

Kung tutuusin pangkaraniwan na lamang ang mga ganitong eksena sa panahon ngayon pero iba ang nagawa ng nagpadala at nagbahagi ng kwento niya sa KAMI.

Buong tapang na isinalaysay ni Kelly ang kwento ng kanyang pinagdaanan sa pagdadalang tao sa murang edad.

Aminado siya na sumagi talaga sa isip niya na iplaglag ang baby nila ng kanyang nobyo na di rin agad nalaman ang sitwasyon na iyon ni Kelly.

Inabot ng 1 buwan ang paggawa ni Kelly ng proseso na ito na akala niya ay nakasasama na sa bata sa kanyang sinapupunan, ngunit laking gulat niya na matindi ang kapit nito.

Narinig din niya ang 'Makabuhay' na pamparegla na mabisa raw pantanggal ng sanggol ngunit di naman niya matyempuhan na bukas ang tindahan nito.

Talagang ipinag-adya na mabuhay ang munting anghel na minsan niyang ninais na mawala.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Kelly na tiyak na kapupulutan ng aral ng mga ina at batang ina gaya niya.

Hi! Kami.com.ph

I just want to share my story. Sana mabasa niyo. Thank you in advance kung ma ere man.

Im a teenage mom. Noong 18 years old ako lumabas ang pinaka magandang anghel sa buhay ko. Sa hindi inaasahan na pangyayari nabuntis ako ng maaga. Tinago ko to sa loob ng 8 buwan na ako lamang ang nakakaalam. Yeah! Kahit mismo yung nakabuntis sakin na boyfriend ko ay di din alam dahil minsan lang kami magkita madalas ay chat, text & videocalls lang kami. Maraming nakakapansin that time pero dedma lang ako at todo tanggi pa. Nasa abroad ang mother ko non that time.

Ayokong sumama yung loob niya lalo na't malayo siya samin. Ayokong biguin yung mga pangarap niya at ni daddy para sa akin. Maraming bagay ang pumasok sa isip ko noon. Walang gabi ang lumilipas ng hindi ako naiyak at kinakausap si god. Umiiyak ako sa kanya gabi gabi humihingi ako ng signs at tulong sa kanya. Gigising ako ng umaga palaging namumugto ang mga mata ko. Dahil nga sa takot ko sa mga magulang ko naisipan kong ipalaglag si baby Nag search ako sa internet na alternatives na pampalaglag pero iisa lang ang kaya ko. Ang uminom ng sprite at medicol tuwing umaga pagkagising yung tipong empty pa ang tiyan mo.

Grabe! Almost 1 month ko yung ginawa pero walang effect! Hanggang sa isang araw may naalala ako sa mga kinuwento ng friend ko dati na effective daw yung MAKABUHAY na pamparegla. Ilang beses ako nagsosorry kay god sa gagawin ko. Araw araw pinupuntahan ko yung bilihan ng makabuhay malapit lang sa school namin. Ngunit bigo ako. Hindi ko naaabutang bukas ito, di ko alam kung wala na sila dun o nasasaraduhan lang ako sa iba't ibang oras bawat araw. Hanggang sa nararamdaman ko na yung tiyan ko na nagalaw na siya at naninipa na dun na talaga ako kinabahan ng todo. Doon na rin nagsimula na tamarin akong pumasok sa school. Ang alam ng tatay ko napasok ako pero ang totoo maghapon lang akong tulog sa bahay namin. Hanggang sa isang araw tumawag ang nanay ko sa amin at binalita niya samin na pauwi na raw siya. Kabadong kabado ako noon at di mapakali.

Tinatyaga ko tumalon sa hagdanan araw araw para malaglag siya pero wala talaga. Makapit siya. November 3, 2016 dumating na ang nanay ko at sinundo namin siya sa airport. Yung backpack ko sa harapan ko palagi nilalagay at sa bus at nakahiwalay ako sa kanila para di mahalata ng lahat na buntis ako. Kinabukasan November 4, 2016 pumasok ako sa school at napansin ng nanay ko na nahihirapan ako magsapatos. Pag uwi ko ng hapon galit na galit akong sinalubong ng nanay ko at yun pinag hubad niya ako as in hubad. Hinipo niya yung tiyan ko at umiyak. Pinalayas nila ako at ipinasama sa boyfriend ko. 8 months na yung tiyan ko non. Pinacheck up ng asawa ko and yung ob ko di makapaniwalang 8months na ang nasa sinapupunan ko dahil sobrang liit daw nito. 2-3weeks hinabol namin ang mga vitamins at mga kailangang gamot na inumin and so yun lumaki agad si baby sa tiyan ko galing!

December 8, 2016

Lumabas ang healthy baby girl namin Hindi ko inaasahang dadalaw doon ang mga magulang ko. Natutuwa sila para sakin at sa apo nila.

December 21, 2016

Pumunta kami sa palengke para mamili ng pamasko. Hindi naming inaasahan na makita yung tindahan ng MAKABUHAY oo tama kayo ng basa BUKAS sila. So lahat ng ito pala ay SIGNS sa akin ni God. TUNAY NGA ANG SIGNS MULA KAY GOD! HINDI NIYA KAMI BINIGO! ISA SIYANG KAHANGA HANGANG TAO. Kaya naman karapat dapat lamang siyang purihin at pasalamatan. Thankyou so much papa god ginawa mo to sakin dahil may dahilan ka. Isa kang dakila. Ngayon 1 year and 3months na ang baby girl at healthyng healthy. This coming April 6, 2018 Gagraduate na ako ng senior high. Thankyou so much my god.

What is better: having a lot of muscle or being skinny but fit? This is What Philippine Women Desire in 2018 | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ibinunyag nina Erich Gonzales at Ejay Falcon na ilang taon din silang hindi nag-uusap

Ibinunyag nina Erich Gonzales at Ejay Falcon na ilang taon din silang hindi nag-uusap

Ibinunyag nina Erich Gonzales at Ejay Falcon na ilang taon din silang hindi nag-uusap
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel