Dakilang ina, tuloy lang ang pangarap at pagsusumikap para sa mga anak
- Hindi alintana ng isang ina ang hirap maitaguyod lang ang kanyang mga anak
- Ayon sa isang OFW na nagbahagi ng kanyang kwento sa Kami, pangarap niyang maihaon ang buhay sa hirap at makatapos ang kanyang mga anak sa pag aaral
- Kaya sa kabila ng kanyang pangungulila, tuloy ang laban para makamit ang kanyang pangarap sa kanyang mga anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Si Malou Tadia ay 38 taong gulang na ina na nagtatrabaho sa ibang bansa para sa kanyang mga anak.
Mahirap man malayo sa kanyang mga anak, tiniis niya ito maibigay lng ang lahat ng pangangailangan nila.
Sa kabila ng lahat ng pagsubok, nanatiling masayahin at positibo ang pananaw sa buhay ni Malou.
Narito ang kanyang ibinahaging kwento.
Kasi maliit pa ako pangarap ko na balang araw mapuntahan ko ang bansang nakikita kulang sa tv, At may kunting pangarap na maihaon ang buhay sa hirap at makatapos ang aking mga anak sa pag aaral, Noong una kc noong high school pa mga anak ko sa private ng aaral at malaki ang nautang ko sa mga kapitbahay ko para lang matustusan ang mga bayarin sa school Kaya ngpunta ako sa Riyadh 2013 na alang takot, Malungkot ang buhay ko noong nasa Riyadh pa ako kc namatay ang tatay ko ako lahat gumastos cimula na hospital at namatay pero kinaya ko lahat dahil nga sa pangarap ko sa mga anak ko. At pag uwe ko dalawang buwan lang ng apply ako kuwait 2015 at hangang dito nako now sa Jeddah 5 months pa lng ako dito, dalawa now ang pinapaaral ko pamangkin ko at ng iisa kong anak na babae now 3rd yr college cla mag kasabay kumukuha ng course na BST ako ang sumusuporta sa kanila.
Never ako natakot kahit first time ko nun sa riyadh at ako lagi nagunguna sa interview hahhaha... totoo yan at pag nag tesda lagi ako joker, 7 kami mag kasabay at mag kalugar lng Ang 3 umiyak pinag tatawanan ko hahaha… Iwan basta excited ako kc para sakin ito na ito na yon ang matagal kuna pinapangarap kya sabi ko sa sarili ko I grab ko na ang opportunity nato kahit sabi nila nakakatakot pero never ako gumigive up, super maldita c madam c sir mabait medyo bastos hahaha… Lagi sumisigaw c madam hindi ko pinapansin at madamot kaya ginawa ko ngpakita ako ng kabaitan ky sir kc para makahingi ako pagkain at ganon nga binibilhan ako ni sir ng pagkain tinatago kulang at noong nakuha kuna simpahty ni madam ng nakasundo ko cya at bumait sakin kc kahit pagod gutom nakuha ko parin mg smile sa kanya.
Noong sa kuwait ako alam na ako, wala akong pangamba at lalo akong na excited kc tuloy2 n mga pangarap ko para sa mga anak ko matandang dalaga madam ko kaso subrang dami clang magkapatid kya subrang pagod ako doon pero tiniis ko lahat kc para skin masaya nko na matustusan mga pangailangn na mga anak ko may pamangkin ako na pinapaaral simula first 1yr hangang ngayon magkasabay cla ng nag iisa kong anak na babae ung panganay ko at lalaki nagtapos lang ng high school pangalawa ung ng iisang babae at pangatlo junior ko hind nakatapos grade 10 lng at pang apat grade 6 now, mahirap pag lalaki kc hind mo madaling pagsabihan umuwe ako sa pinas isang buwan lang bumalik ako dito naman sa Riyadh hind ko masyado na enjoy ang bakasyon sa pinas kc saglit lang at sayang ung sahod na kikitain ko Kaya ayan ng apply agad pacnya alang period ang pangungusap ko hahaha… now ok ako dito sa Jeddah napakabait ng mdam ko kc bible study ang work nya 5 months nko dito never kami ng kasagutan at ng offer pa cya sakin na mg extend ako hangang 5yrs but ayaw ko kc uuwe ako pag end ng contract ko un ang mga nararanasan ko at na experience dito sa ibang bansa di bali pagod para sa pamilya handa akong mag sskripisyo hangang matupad mga pangarap nila.
Yung story ko noong nasa pinas pa ako ang dami kong pinag daanan bago ko na abot to maraming tao sa paligid ko na binabagsak ako pero binaliwala ko kc hind cla makakatulong sa mga problem ko at lalo kong pinalakas loob ko at nanalangin lagi sa mahal na Panginoon na kaya ko to! at balang araw titigil sla sa pakialam sakin at tama nga na ngayon natupad na lahat tahimik na sa paligid ko hahaha… thanks kay God talaga.
Mag pakatatag matibay ang loob at sikmura hahaha... totoo yan kc hind cla masyado ng offer ng makain kaya yan ang una at wag mag aalinlangan kc para to sa mga mahal sa buhay, Kailangn din matiyaga ka at wag padadala sa emotion kasi ala kang karamay dito.
Nawa ay magsilbing paalala ito sa lahat ng anak na mahalin at igalang ang ating mga magulang.
Hindi man lahat nagtitiis na malayo sa pamilya para makapagtrabaho, may iba't ibang paraan naman ang bawat magulang na maipakita at maipadama ang kanilang pagmamahal sa mga anak.
Mula sa amin sa KAMI, isang pagpupugay sa lahat ng mga dakilang nanay!
7 Best Acupressure Points for Weight Loss - on Kami YouTube channel
Trying to lose weight? Control your appetite with these Acupressure weight loss techniques!
Source: KAMI.com.gh