Lumabas ang pagka-tigre! Angeline Quinto, hinamon ang isang diumano'y fan ni Sarah Geronimo

Lumabas ang pagka-tigre! Angeline Quinto, hinamon ang isang diumano'y fan ni Sarah Geronimo

- May buwelta si Angeline Quinto sa isang fan diumano ni Sarah Geronimo

- Dinamay na kasi ng basher pati ang kinikilalang ina ni Angge na si Mama Bob

- Talaga namang palaban ang mga naging sagot niya dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinalagpas ni Angeline Quinto ang komento ng isang netizen sa kanyang Twitter account.

Nalaman ng KAMI na pinagbibintangan diumano ng ibang fans ni Sarah Geronimo na pinagtawanan nila Angeline at Morisette Amon ang naging pag-iyak ni Sarah sa kanyang Las Vegas concert.

Ayon sa ulat ng PEP, may isang netizen na may handle na @miko1617 ang nag-komento nito kay Angeline.

"Papatumba ko kayo mga g*go

"#WagsiSarah g*guhin nyu na mga magulang nyu wag lang sya p*ki nyung panis"

Sinagot naman ito ni Angge at sinabing huwag idamay ang kanyang nanay.

Ang tinutukoy ni Angge ay si Mama Bob na kinikilala niyang ina.

"WAG NA WAG ANG NANAY KO. WAG NA WAG!"

Sa isa pang bukod na tweet ni Angge ay talaga namang galit na galit na ito sa pagsagot sa basher at sinabing nanginginig pa siya sa pag type ng message para dito.

Hinamon siya ng singer na magkita sila ng personal.

"MAGKITA TAYO NG PERSONAL MIKO.

"WAG NA WAG ANG MAGULANG KO. KAHIT KELAN HINDI NAGING P*TA ANG MAGULANG KO.

"WAG NA WAG ANG MAGULANG KO NANGINGINIG AKO SA PAG TYPE NITO PARA SAYO.

"MAGKITA TAYO PAKIUSAP."

Maingay ang balita ngayon na diumano ay merong video sina Angeline Quinto at Morisette Amon na pinagtatawanan si Sarah Geronimo sa kanyang emotional breakdown na nangyari sa Las Vegas.

Ayon sa balita, meron daw ilang mga staff ng ABS-CBN ang mismong nakasaksi ng pangyayari.

Hinamon naman ni Angge na ilabas nila ang video na sinasabi laban sa kanila.

Nagpasalamat naman si Angge sa ibang mga fans ni Sarah na hindi naniniwala sa mga balita.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales

Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales

Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel