9 na kontrobersyal na personalidad sa showbiz na nakaranas ng 'depression'

9 na kontrobersyal na personalidad sa showbiz na nakaranas ng 'depression'

- Kamakailan ay di napigilan ng Pop star Princess na si Sarah Geronimo ang pagiging emosyonal at pag-amin na may matindi siyang pinagdaraan

- May ilang artista na rin ang dumaan sa ganitong sitwasyon gaya ni Sarah

- Ang ilan ay dinaan sa Social media ang tunay nilang estado sa kanilang sarili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di lang ang Pop star Princess na si Sarah Geronimo ang nagpakatotoo at nagsabi o nagpakita nang tunay nilang saloobin sa kanilang mga pinagdadaanan.

Gaya ng isang ordinaryong tao, nakararanas din sila ng mga pagsubok na marahil nagiging dahilan para sila rin ay panghinaan at 'mapagod' sa kanilang ginagawa.

Marahil, dahil na rin sa tindi ng 'pressure' na kailangan nilang maging huwaran sa mga fans, minsan di na sila nagiging totoo sa kanilang sarili na nagiging dahilan para sila ay panghinaan at di makaramdam ng totoong kaligayahan.

Nakalap ng KAMI ang 9 sa kontrobersyal na 'emotional breakdowns' ng ilang sa ating mga local celebrities.

1. Maricel Soriano

Inamin ng Diamond star na si Maricel Soriano na dumaan siya sa matinding depresyon noong namatay ang kanyang ina.

Inamin niya na inabot ng apat na gabi siyang walang tulong kaya naman kumunsulta na siya sa isang propesyonal.

2. Sharon Cuneta

2014 nang nagpost ng Megastar na may matindi siyang pinagdadaanan.

Narito ang ilang bahagi ng open letter na binahagi niya noon sa kanyang facebook.

"I was going through a mid-life crisis, the effects of which I could never have foreseen. My reaction to it was awful; I became rebellious because I hated myself for the way I looked and the time I continued to waste by not focusing and working on bettering my own person.

"And each time I rebelled, often offending other people by being inconsiderate of their time and all else that I used to respect in and about them, I just felt worse and worse about myself. I was not 'me.' I hit mid-life and didn't know how to deal with it. I was lost. And then when I got used to it, I saw what had changed around me," ang snnulat ni Sharon.

Samantala, napabalita rin noon na si Judy Ann Santos ang nakatulong sa kanyang Ate Shawie para makabangon sa depresyon.

3. Gab Valenciano

Sa pamamagitan din ng isang social media post, isang rebelasyon ang hinayag ng anak ni Mr. Pure energy patungkol sa pinagdaraanan niyang depresyon.

Binanggit ni Gab na umabot daw ito ng 4 na taon.

4. Kylie Versoza

Clinical depression daw ang dinanas ng Miss International 2016. Tumagal daw ito ng pitong buwan.

5. Antoinette Taus

Inamin ni Antoinette na tumagal ng tatlong taon ang dinanas niyang depresyon buhat ng pagkamatay ng kanyang ina.

Muli siyang nakabangon dahil na rin sa suporta ng kanyang pamilya.

6. Ebe Dancel

"My doctor once told me, it's like a fever. Something's wrong with your body, so take your meds. I believe her. I'm better because of her," saad ng dating bokalista ng bandang Sugarfree na umamin kamakailan tungkol sa Clinical Depression na kanyang dinanas.

7. Jed Madela

Recovering pa rin daw si Jed Madela sa depresyon na kanyang dinanas. Inamin ni Jed na nakaranas siya ng Anxiety attacks ngunit laking pasalamat niya na nalampasan niya ito sa tulong narin ng mga mahal niya sa buhay.

Inamin na na malaking tulong din ang di masyado nakababad sa Social media.

8. Nadine Lustre

"I have days when I have to put a mask on, smiling, numbing myself from negative emotions, too often. I have already mastered the art of hiding it, I bet you never even noticed it," ayon kay Nadine na dumaan sa matinding depresyon.

Sa tulong na rin ng kanyang pamilya at mahal sa buhay, napaglabanan niya ito at di humantong sa sinapit ng kanyang nakababatang kapatid na kinitil ang sariling buhay.

9. Sarah Geronimo

Bago pa aman ang kkontrobersyal na emotional breakdown ng Pop star princess, Inamin ni Sarah na dumaan siya sa quarter life crisis.

This video is to pay tribute to Aubrey and to raise awareness about the depression. Depression has no face | Kami Stories on KAMI YouTube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica