Never daw nagbigay ng sustento sa anak! Regine Tolentino, handa na daw umibig pag natapos ang annulment case nila ni Lander Vera-Perez

Never daw nagbigay ng sustento sa anak! Regine Tolentino, handa na daw umibig pag natapos ang annulment case nila ni Lander Vera-Perez

- Ayon kay Regine Tolentino ay malapit nang matapos ang pag aayos ng annulment nila ng dating asawa na si Lander Vera-Perez

- Ayon sa kanya, simula nang umalis ito sa kanila ay hindi ito nagbigay ng sustento para sa kanilang anak

- Tanggap din daw ng anak nila ang kanilang paghihiwalay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon kay Regine Tolentino, malapit na daw matapos ang annulment case na kanyang isinampa laban sa dating asawa na si Lander Vera-Perez.

Malamang sa susunod na buwan daw ay matatapos na ito, “I’m pleased to say that probably next month, matatapos na rin ang very long process ng annulment, because hindi po naabutan ng divorce.

Meron lang daw tinatapos na ilang hearings pagkatapos ng dalawang taong proseso.

“I just had my last few hearings and finally matatapos na ‘yan, finally, after two long years, official na.

"Maybe next month po, pero I’m happy and hopeful.”

Hindi din daw nakakapunta si Lander sa korte kaya di sila nagkakaharap.

"Hindi siya sumisipot, so that makes the whole process so much easier. Thank God.”

Ayon din sa kanya hindi sila nag-uusap kahit bilang magkaibigan.

“We are not,”

Kahit umano sa telepono ay hindi sila nakakapag-usap.

“I have no idea where he is.

"He has no communication with my kids.

Isiniwalat din niyang hindi daw nagbigay ng sustento si Lander simula ng umalis siya.

"He does not support them whatsoever, not even once, since the day he left.

"That’s the thing. So, I don’t know.

"If you find him, you can ask him."

Dagdag pa ni Regine, mga anak niya mismo ang tumutulak sa kanya na mag move on na.

“Actually, years ago pa, kasi, di ba, pang-fourth year na ‘to?

“They were saying, ‘Mama, go out. You should meet people. You should hang-out with your friends and do fun stuff.'

"Kasi they know na puro work lang talaga ako. So, they’re really open to that.

Pero ayon sa kanya, nag aalangan siya.

“Ako lang yung medyo... parang alangan namang magba-bar ako? Or magka-club ako?

"Hindi naman ako ganun, may time for that, eventually. And my time for that part of my heart.

Sariling desisyon niya daw yun na manatiling single habang on going ang proseso.

“It’s my personal choice... I just have a clear conscience once it’s also legal para, at least, walang masabi ang mga tao.

"I’ve been waiting for a long time because I promised my kids that I won’t, you know, start dating until it’s done and it’s legal.

Apat na taon na daw siyang loveless dahil na rin sa pinangako niy sa mga anak nila.

"So, it’s been four long years na walang love life, and okay naman.

“Thank God I’ve been so busy with my concert and all my Zumba activities and stuff like that.

"Hindi ko naman na-feel masyado ang loneliness. Malay mo baka after this is done I can start over, and put myself out there.”

Sa isang panayam ng PEP, sinabi din ni Regine na handa na daw siyang umibig muli.

“I’m open for to love someone, naks!

"Malay mo ma-meet ko doon sa event namin!" sabay tawa ni Regine.

Nang matanong siya kung anong tipo ng lalaki ang susunod niyang mamahalin, “Maging choosy pa ba ako?”

“Oh, wait, tama! Mas choosy nga ako dapat ngayon.

“I guess somebody that understands my line of work because I love what I do.

"In fact, kahit may love life na ako, hindi titigil ang pagsasayaw ko, pagbi-business ko.

Ayon din sa aktres, gusto niya sa isang lalaki ay matangkad, matipuno at sweet.

“So, probably someone who... basta ako, I like someone tall, fit, and sweet.

"Kasi mahilig ako sweet-sweet, ganun. Kilig something... yun lang.

“Wala kasi akong ideya. Wala akong... hindi ko ma-imagine yung kind of guy na gusto ko,”

Ayaw niya na daw ng taga-showbiz at foreigner.

Bukas parin di umano siya sa pagpapakasal muli.

“I’m a hopeless romantic at the end of the day. Kaya nga ata ako nag-asawa nang maaga.

“Yes, life begins at 40, I want to achieve everything I can now, like, new life, everything pagpatak ko ng 40.”

Nagkakilala sina Regine at Lander sa set ng Flames, isang palabas sa Kapamilya network.

Nagpakasal sila noong June 18, 1997 sa isang civil wedding at nagpakasal muli sa simbahan pagkatapos ng apat na buwan.

Subalit nagkahiwalay sila noong taong 2001 at muling nagkabalikan.

Muli silang naghiwalay noong 2015.

Sila ay may dalawang anak, sila Azucena Reign at Alyssandra Reigen.

7 Best Acupressure Points for Weight Loss - on Kami YouTube channel

Trying to lose weight? Control your appetite with these Acupressure weight loss techniques!

Source: Kami.com.ph

Related news
Diumano’y mga kuripot na celebrities, walang takot na pinangalanan ni Vhong Navarro

Diumano’y mga kuripot na celebrities, walang takot na pinangalanan ni Vhong Navarro

Diumano’y mga kuripot na celebrities, walang takot na pinangalanan ni Vhong Navarro
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel