Hindi talaga ma-reach! Jinkee Pacquiao binigyan ng napaka-bonggang regalo si mommy Dionisia para sa kanyang kaarawan

Hindi talaga ma-reach! Jinkee Pacquiao binigyan ng napaka-bonggang regalo si mommy Dionisia para sa kanyang kaarawan

- May bonggang regalo si Jinkee Pacquiao sa ina ni Manny Pacquiao na si mommy Dionisia

- Ito ay para sa nalalapit na kaarawan ng kanyang mother-in-law

- Umani naman ito ng iba-ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talaga namang espesyal ang turing ni Jinkee Pacquiao sa kanyang mother-in-law na si mommy Dionisia, dahil binigyan niya ito ng mamahaling regalo para sa kanyang nalalapit na 69th birthday sa May 15.

Ayon sa ulat ng PEP, nag-post ang kaibigan ng mga Pacquiao na si Bernard Cloma sa kanyang Instagram account ng larawan ni Jinkee at Mommy D kung saan pinag-shopping siya nito sa Louis Vuitton Greenbelt nitong April 28.

Nalaman din ng KAMI na bukod sa mamahaling LV ay may nag-inntay ding bagong sasakyan si mommy D sa GenSan.

Noong 2011 ay niregaluhan din ni Jinkee ang biyenan ng Hermes bag na nagkakahalaga ng 1 million pesos.

Noong kinasal daw sina Manny Pacquiao at Jinkee ay tumira sila sa bahay ni mommy D sa loob ng 5 taon.

"Napakabait talaga ni @jinkeepacquiao kay mommy dionisia pinag shopping nya dahil bday ni mommy dionisia sa may 15 2018 at binili nya pa ng sasakyan sa gensan ganyan kabait c jinkee kay mommy dionisia #generious #mabait #iloveit #moreblessingstocomel"

Maraming netizens ang nag-react dito at sinasabing "dapat lang" na gawin ito ni Jinkee dahil pera naman ng anak ni mommy Dionisia ang ginagasta nila.

Kung wala raw si mommy Dionisia eh wala din namang Manny sa buhay ni Jinkee, kaya naman deserve ito ng nanay ni Pacman.

Read some of the comments from netizens below:

"Aba dapat lang..that's the mother of her husband..and pera naman yan ni manny.."

"Dapat lang kc pera nman yan ni manny..."

"Dapat lang maging mabait cia,.kasi si Manny nman ang dahilan bakit Abandone sila ng Blessing."

"Eh kung wala naman si mommy dionisia sa mundo wala naman si manny pacquaio hello yung nanay nga ni jinkie binilhan ng hermes si monmy LV LAng bigay hindi ako convince"

"Jinkie and family are nothing they are the poorest of the poor and its mommy dionisia sons money without her theres no manny pacquaio im not convience jinky pacquaio is a good human being shes very materialistic woman to be honest"

Meron din namang mga humanga kay Jinkee dahil hindi sila nakakalimot sa magulang.

Read their comments below:

"Kaya patuloy na pinagpapala dahil hindi nakakalimot sa magulang/pamilya."

"Super blessed ;) More blessing to come @jinkeepacquiao super bait mo"

"God Bless you madm @jinkeepacquiao"

"So happy to see them getting along well !"

Hindi talaga ma-reach! Jinkee Pacquiao binigyan ng napaka-bonggang regalo si mommy Dionisia para sa kanyang kaarawan

Hindi talaga ma-reach! Jinkee Pacquiao binigyan ng napaka-bonggang regalo si mommy Dionisia para sa kanyang kaarawan (Photo by: Bandera)

Si Jinkee Pacquiao ay nagta-trabaho bilang isang beauty consultant ng makilala niya si Manny Pacquiao.

Ikinasal sila noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again

Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again

Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel