Naiyak at di makapaniwala! 'Working mom' na si Krizza-Fe Alcantara-Bagni, top 8 sa 2017 BAR exams

Naiyak at di makapaniwala! 'Working mom' na si Krizza-Fe Alcantara-Bagni, top 8 sa 2017 BAR exams

- Matinding sakripisyo ang ginawa ni Krizza Fe Alcantara-Bagni matupad lang ang pangarap na maging isang abogado

- Si Krizza Fe ay isang 'working mom' kaya oras ang kalaban niya pagdating sa trabaho, sa kanyang anak at sa pag-aaral ng law

- Di niya napigilang maiyak nang nalaman niya na di lang siya nakapasa kundi nasungkit pa niya ang ika-8 pwesto sa 2017 bar examinations

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Noon pa man ay pinangarap na talaga ni Krizza Fe Alcantara-Bagni na maging isang abogado.

Ngunit ang pagkakaroon agad ng anak sa murang edad at ang kanyang trabaho ang muntik nang makapigil kay Krizza sa pagkamit ng kanyang pangarap.

Napag-alaman ng KAMI na dalawang buwan pa lamang mula noong siya ay nanganak, nagdesisyon na agad si Krizza na mag-enrol sa law school.

Ayon sa ABS-CBN news, 22 taong gulang pa lang noon si Krizza nang pumasok siya sa law school ng St. Mary's University sa Nueva Vizcaya.

Ang asawa niyang si Marlon ang nag-udyok sa kanya na ituloy ang kanyang pag-aaral.

Naiyak at di makapaniwala! Working mom, top 8 sa 2017 BAR exams
Naiyak at di makapaniwala! Working mom, top 8 sa 2017 BAR exams

Bukod sa bagong panganak pa lang siya noon, isa rin siyang Accountancy teacher sa Aldersgate College. Kaya naman oras ang kanyang kalaban sa pagpasok niya sa law school.

Aalis siya kanilang bahay ng ika-7 ng umaga na tulog pa ang kanyang anak para magturo.

Sa hapon naman siya papasok sa law school. Pag-uwi na sa gabi, tulog naman na ang kanyang baby.

Kaya naman minsan, aminado siya na nagnanakaw siya ng oras sa trabaho o sa pag-aaral para makapaglaan naman siya ng oras para sa kanyang anak.

"Paminsan, may klase at may break time, uuwi ako para makasama ang baby ko. Kakaunti ang time ko para sa anak ko," ani Krizza.

"Kahit minsan gusto ko nang tumigil, pinu-push ko na lang sarili ko," dagdag pa niya na lubos na nagpapasalamat sa suporta ng kanyang mga kaibigan at pamilya.

Naiyak at di makapaniwala! Working mom, top 8 sa 2017 BAR exams
Naiyak at di makapaniwala! Working mom, top 8 sa 2017 BAR exams

Mas naging mahirap sa kanya nang pormal na siyang pumasok sa isang review center sa Maynila bilang paghahanda sa Bar exams.

Nagbibiyahe pa talaga siya noon mula sa Nueva Vizcaya hanggang Maynila.

"Sobrang sacrifice po, nakakaiyak" sabi ni Krizza

Kaya naman nang lumabas na ang resulta ng 2017 Bar exams, di talaga siya makapaniwala.

"Di pa rin nagsisink-in, I'm overwhelmed," sabi ni Krizza sa interview sa kanyan ng ABS-CBN.

Ang tanging hangad lamang niya ay ang pumasa kaya naman laking tuwa niya na naging top 8 pa siya.

"It's a blessing," sabi ni Krizza.

Ngayong nakapasa na siya, nais na niyang maisakatuparan agad ang pagiging isang ganap na abogado.

Si Krizza ay isa lamang sa 25.5% na nakapasa sa 2017 Bar examinations.

Nilabas ang resulta noong Abril 26 at gaya nang inaasahan, marami ang naging emosyonal dahil ana rin sa tindi ng sakripisyo nila para dito.

6,748 na mga law graduate ang kumuha ng exam ngunit 1,724 lamang ang pinalad.

Cheneleng Pili's success story inspires us to keep chasing our dreams. Road to success: I cried a hundred times - makeup artist and business owner Cheneleng Pili on KAMI youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica