Sunshine Dizon, isiniwalat na ang tunay na estado ng relasyon nila ni Timothy Tan

Sunshine Dizon, isiniwalat na ang tunay na estado ng relasyon nila ni Timothy Tan

- Nagpaliwanag si Sunshine Dizon sa tunay na estado nila ni Timothy Tan

- Madalas na kasing nakikita si Timothy Tan na present sa buhay nilang mag-iina

- Meron ding patutsada ang aktres sa naging alleged mistress ni Timothy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas na ng saloobin si Sunshine Dizon ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon ni Timothy Tan, ayon sa ulat ng GMA.

Kamakailan lang ay nagdiwang ng 7th birthday si Doreen, ang panganay nilang anak.

Nagkaroon si Doreen ng 2 celebration, isang simpleng handa sa bahay nila at isang engrandeng party naman na idinaos sa The Blue Leaf Cosmopolitan na matatagpuan sa Quezon City.

Sa parehong celebration ay present naman si Timothy na ikinatuwa ng marami.

Nalaman ng KAMI na nag-post si Sunshine nitong Miyerkules, April 25, sa kanyang Instagram account ng mga larawan na kuha sa 7th birthday ni Doreen at naglagay ng mahaba at makabuluhang mensahe.

Malinaw din sa post ng aktres na bukas siya makipagbalikan kay Timothy at ang Diyos lang ang nakakaalam nito.

"To finally set the record straight. Timothy is and will always be the father of my children. It is his right, duty and obligation to be there for his children no matter what the circumstances may be.

"I cannot put a label on our status but what i’m sure of is that by law and more importantly God’s law i am still his wife. Only time can tell and ultimately God if we are still meant to be together."

Sinabi din ni niya na kung may mga hindi nakaka-intindi sa sitwasyon nila ay marahil hindi pa raw ito mga kasal o hindi alam ang value ng pamilya.

"I have read different opinions but one thing is for sure to those who say things as if marriage is nothing. You are probably not married and do not value family. let me just remind you that you are not the mother of two beautiful kids still hoping and praying for our family to be complete and stay that way.

"As Chinadoll would say it “For her nightmares to end and the evil witch be banished forever so our lives can go back to how it was before”. You are probably thinking why and how can i still be this way towards their father."

Ipinaliwanag din niya na bagamat nagkulang bilang asawa si Timothy ay hindi maitatanggi na isa pa din itong mabuting ama ng kanilang mga anak.

"Simple, Tim is still a good father in their eyes. He is a hands on father. He drives them to school, helps them with school work, their playmate etc. Tim is far from perfect but at least he tries,unlike some.

"No one will know and understand the sacrifices i make unless you’ve been in my shoes. Do not be quick to judge you do not know the whole story. Family is worth fighting for.

"Timothy is love of my life. He will always be,but he broke my heart and i have also learned to survive.

"Pain is a good teacher. Pain will help you discover your inner strength if you allow it to empower you and not wallow in your despair. I am sharing my thoughts and our pictures with you in the hopes of inspiring my fellow Mother’s who are going through a similar situation and show you that it is possible to set aside your differences. That you have the power to choose to raise your children in a loving environment."

Bago tinapos ni Sunshine ang kanyang post ay meron din siyang mahalagang mensahe sa naging alleged mistress ni Timothy at sa mga babaeng kagaya niya.

"And lastly to show you, yes YOU!(and the likes of you) the family you chose to ruin,innocent beautiful kids you deliberately inflicted pain upon.

"YOU who was fully aware of your actions and could’ve said NO to a married man. YOU better take a good hard look because this is the family you never had and will never ever have."

Maraming netizens ang nag-pahayag ng paghanga sa Kapuso actress at ang iba ay naka-relate pa sa pinagdadaanan niya.

Pero karamihan sa kanila ay pabor na magkabalikan sila ulit para mabuo na ulit ang kanilang pamilya.

Read some of the comments from netizens below:

"I salute u ms shine(",) teary eyed here...god bless your family"

"So much respect for you Ms. Shine! God bless you and your family!"

"You have a very beautiful family Ms. Shine i hope and pray na maging okay na kayo ng husband mo."

"Very well said!!! Hugs to you for being a strong woman and a strong mother for your children."

"Been there @m_sunshinedizon those people will never ever understand the feeling unless they themselves experience it! Let them be! As mother youll forget all the pain and hurt and just think of our kids happiness!! God Bless your family! Continous prayer!"

"Thanks for the inspiring and encouraging post Ms. Sunshine. I just hope that the Father of my kids will remember his role as a Father. God bless your family Ms. Sunshine."

Kinasal sina Sunshine Dizon at Timothy Tan sa pamamagitan ng civil wedding noong March 20, 2010.

May dalawa silang anak, sina Doreen at Anton.

Noong June 17, 2016, ginulat ang marami ng ipaalam ni Sunshine sa kanyang Instagram na naghiwalay na sila ni Timothy at ibinunyag din niya ang identity ng naging alleged mistress na si Clarisma Sison.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Agad-agad? Jason Abalos finally opens up about alleged next level status with girlfriend Vickie Rushton

Agad-agad? Jason Abalos finally opens up about alleged next level status with girlfriend Vickie Rushton

Agad-agad? Jason Abalos finally opens up about alleged next level status with girlfriend Vickie Rushton
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel