Sipag at tiyaga ang puhunan! OFW na di man nakatapos ng pag-aaral, napagtagumpayan pa rin ang buhay abroad

Sipag at tiyaga ang puhunan! OFW na di man nakatapos ng pag-aaral, napagtagumpayan pa rin ang buhay abroad

- Pinatunayan ng OFW na si Ram Sison na iba ang nagagawa ng determinasyon para mapagtagumpayan ang isang bagay

- Di man nakatapos ng pag-aaral, nakapagtrabaho pa rin ng marangal si Ram para sa kanyang pamilya

- Lahat ng pagsubok sa buhay ay kanyang kinaya at tiniis para lamang sa kanyang mag-ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mahalaga man ang edukasyon upang makakuha ng maayos na trabaho, pinatunayan ni Ram Sison na sa pamamagitan ng kayang sipag, tiyaga at determinasyon ay magiging maayos din ang lahat.

Buong pusong binahagi ng OFW na si Ram sa KAMI kung paano niya hinarap ang mga pagsubok na pinagdaanan niya bago siya makapag-abroad.

Sipag at tiyaga ang puhunan! OFW na di man nakatapos ng pag-aaral, napagtagumpayan pa rin ang buhay abroad
Si Ram Sison, isa na ngayong Factory Worker sa Taiwan

6 silang magkakapatid, wala na siyang ama, bunso pa siya sa magkakapatid at di kinahihiya na di siya nakapagtapos ng pag-aaral.

Gayunpaman, determinado si Ram na mapagtagumpayan ang mga sinusuong niya sa buhay dala ng sikap niyang mabigyan ng mgandang buhay ang kanyang mag-ina.

Dumating pa nga sa punto na tanging pamasahe na lamang ang kanyang dala sa paghahanap ng trabaho at di na alintana ang gutom sa kanya.

Sipag at tiyaga ang puhunan! OFW na di man nakatapos ng pag-aaral, napagtagumpayan pa rin ang buhay abroad
Ang letter sender at ang kanyang Misis

Ito ang kwento ng 29 taong gulang na OFW na si Ram. Magsilbi sana itong aral para sa atin na talagang pag gusto mong makamit ang isang bagay, pinaghihirapan ito at ginagawan ito ng paraan.

From Sender Ram G. Sison, 29 years, Taiwan

6 kami magkakapatid..hyskul grad po lng po ako..d napo natuloy ng kolehiyo dahil hirap din sa buhay..financialy problem..ulila na po ako sa ama..patay na po, mama ko naman sa bahay lang po.. At bunso po ako.

Nakilala ko po asawa ko dati same work po kami..naging kami po kasi pareho namin gusto ang isat isa...nagtagal po kami ng 4years..den we decided po na magpakasal..at bniyayaan po kami ng isang poging baby boy.. his name is prince ram...sison

Sipag at tiyaga ang puhunan! OFW na di man nakatapos ng pag-aaral, napagtagumpayan pa rin ang buhay abroad
Ang anak ni Ram na si Prince Ram.

Dahil sa hindi pa rin sapat ang kinikita naming mag asa, Pinag isipan ko po ng mabuti ang pag aabroad, mahirap kaso kailangan po..para sa future ng mag ina ko...hangang sa nagdecide kaming mag asawa na mag abroad ako.

Ang pag apply ko po sa abroad ay sipag at tyaga sa paghihintay..kahit pagod worth it naman at nakapag abroad ako..dumating sa point na napaghinaan ako ng loob..sabi nga po nila magdasal lang kay God..kahit pamasahe lang dala po ay pumupunta ako ng agency para magreport..ngayon po andito nko abroad bilang Factory worker..kahit mahirap at sobrang nahohomesick sa asawa at anak ko tinitiis ko nlng, at kakayanin para sa kanila, sobrang namimis ko na mag ina ko at hindi ko sila makakasama ngayon pasko, sulit naman kasi ngayon nabibigay ko na po ang pangangailangan ng mag ina ko.

Sipag at tiyaga ang puhunan! OFW na di man nakatapos ng pag-aaral, napagtagumpayan pa rin ang buhay abroad
Ang pamilya ni Ram

Sa mga gusto po mag abroad..sipag at tyaga..tatag ng loob at pananampalataya sa Diyos ang kailangan..God is good all the time..

Naniniwala ang KAMI na bukod na edukasyon, iba rin ang nagagawa ng abilidad at determinasyon sa kapalaran ng isang tao.

Cheneleng Pili's success story inspires us to keep chasing our dreams.Road to success: I cried a hundred times - makeup artist and business owner Cheneleng Pili on KAMI youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica