Mayroon nga bang nawawalang siyudad sa Antartica?
KAMI ay nahiwagaan dito mula sa DailyMail tungkol sa - Mahiwagang dome na gusali ay sinasabing gawa ng mga sinaunang sibilisasyon ayon sa mga paniniwala.
Ang isang 400 ft na lawak na istruktura ay natagpuan sa imahe mula sa Google Earth at sinasabing isa itong makalumang gusali. Ang hugis nito ay gaya ng sa mga sinasabing nawawalang mga sibilisasyon sa paliwanag ayon sa mga teorya. Ayon naman sa mga syentipiko kanilang inisip na isa itong sastrugi, o isang natural na pangyayari na nagbigay anyo sa nasabing hugis.
Ang larawan, na sinasabing makikita sa Google Earth, ay naipapakita na isang hugis oval na istruktura na pinaniniwalaang nasa 400 ft o mahigit 121 metro ang taas.
Naniniwala ang ilan na ang istrukturang ito ay patunay lamang na mayroong sibilisasyon na nakatira noon sa South pole, samantalang ang iba ay sinasabing natural na disensyo lang ng kalikasan ito.
Ang isang imahe ng “dome” sa Antartica ay pinag-uusapan ngayon kung mayroon nga bang unang mga tao na minsan nang nanirahan sa nagyeyelong kontinenteng iyon. ( Photo credit: Google Earth)
Paano kung, sa malayong nakaraan, ang mundo at ang Antartica ay iba sa kung ano sila sa ngayon, na ang isang lumang sibilisasyon ay nagawang mabuhay doon at makapagtayo ng iba’t ibang gusali, monumento at mga templo? Ang sabi ng isang tanong sa Ancient Code.
Bago ang tanong na ito ay naniniwala ang ilan na ang itsura na iyon ay dahil sa tinatawag na sastrugi o ang natural na pangyayari ayon sa kalikasan dahil narin sa malakas na hangin at malamig na temperatura.
Ngunit ang sastrugi ay hindi nabubuo sa ganoong uri ng itsura, kung ikukumpara sa larawan.
Hindi ito ang unang pagkakataon na ang tao ay nagsabing may lumang nanirahan sa Antartica.
Ang larawan na ipinakita ng NASA mula sa kanyang “Ice Bridge ice-maping mission” ay nagbigay daan sa ilang mga tao upang humanap ng ebidensya na mayroon ngang lumang sibilisasyon sa lugar na iyon.
Si Ashoka Tripati ng Department of Archaelogy ng University of Calcutta ay nagsabing ang mga imaheng pinakita ay malinaw na patunay na meron ngang sinaunang mga tao ang nabuhay sa nag-yeyelong lugar na iyon, ayon sa panayam sa World News Daily.
“Kung papansinin makikita dito ang gawa ng mga tao na istruktura, na halos may pagka kapareho sa disenyo ng pyramid” ang kanyang tugon.
“At hindi ito maihahalintulad sa ano mang natural na pag-galaw ng kalikasan”
“Ito ay maliwanag na ebidensya ng human engineering. Ang tanging problema nga lang ay nakuha ang mga larawang ito sa Antartics na may roong 2 kilometrong yelo. Dito papasok ang kataka-takang bahagi, wala pa tayong paliwanag tungkol sa bagay na ito.
Isa pang nakapag-tatakang teorya na lumabas noong nakaraang taon, na sinasabing may roong nakatayong pyramid sa Antartica.
Ang mga theorists ay pinakita sa isang video sa YouTube, na kung saan sinasabi nila na ang US Secretary of State na si John Kerry sa kanyang pagbisita sa Antartica ay tungkol sa tinatawag na “alien base” sa loob ng pyramid.
Sa video ay ginamit ang mga larawan mula sa google earth nguni’t hindi pa maliwanag kung ito ba’y edited o binago.
Ang video ay inilagay ng Third Phase of the Moon, na isang YouTube channel na regular na naglalagay ng mga teorya tungkol sa mga alien.
Ipinakita rin dito ang sinasabing mukhang pyramid na istruktura sa nyebe, na gamit ang Google Earth
Ang pangalang ibinigay nila ay “Antartica Pyramid” - namali alinsunod sa tamang salita na Antarctica, na nagpapapkita na maaaring ang larawan ay na galaw o nabago.
Ang mga pnanaw at reaksyon sa video ay iba iba gaya nalang ng sinabi ni James Jason na pinupuri at naniniwala sa kanilang paliwanag. Ngunit para naman kay Gordon Anderson ay hindi naniniwala sa ganito at sinasabi din na gawa lang ito ng kalikasan.
Ang ilan pa ba ginagawa itong katatawanan gaya na lamang na sabi ni Daniel Schultz na gagawin daw niya itong bahagi ng kaniyang bucket list, na gagawa siya ng anghel na nyebe sa lugar kung saan walang taong nabubuhay.
Hindi maliwanag kung ano nga ba ang itraktura mismo, ngunit malapit ito sa nunatak - isang natural na anyo na nakikita sa ibabaw ng bundok na malapit sa mga makakapal na yelo.
Nigel Watson ay ang may-akda ng UFO Investigations Manual, ayon sa panayam sa MailOnline: Kanyang pinaliwanag na ang nakikitang mga larawan ng pyramid na istraktura ay maaring gawa sa photoshop, o binago mula sa orihinal na inayon nalang sa hugis ng isang pyramid o hindi kaya’y ang tinatawag na nunataks.
“Ang mga bunok na ito ay gawa ng kalikasan at hindi ng mga alien”
Karaniwan ang mga pyramid sa mga bagay na nais pag-usapan ng mga theorists.
Sa nakaraang taon ng buwan ng October, isang video sa Youtube ang nagsasabing na mayroong kristal na pyramid sa ilalim ng Bermuda Triangle, lugar na sinasabing maraming nawawalang mga eroplano at barko.
Sinabi rin ni Ginoong Watson na maraming nakakapagtaka sa mga gusaling na may anyong pyramid.
Noong taong 1970 maraming nagsasabi na ang ganong anyo ay may kakayanang panatilihin ang pagkain, nakatutulong sa kalusugan at kayang panatilihin ang pagkakatalim ng mga gamit.
Source: KAMI.com.gh