Mga Nakakairitang Ugali ng kapwa Filipinos sa Ibang Bansa- Babala sa mga Baguhang OFW

Mga Nakakairitang Ugali ng kapwa Filipinos sa Ibang Bansa- Babala sa mga Baguhang OFW

Mga may bulsa sa balat. Eto ang mga kababayan natin na sobra pa sa langgam magtipid. Lahat ng klaseng pagtitipid ginagawa. Makikikain sa kapitbahay o magpapalibre sa iba para lang hindi gumastos. Lagi na nanghihingi ng shampoo or lotion sa iba para makatipid lang.

Echoserang Froglet. Eto naman ang mga kababayan natin na kulang na lang ipagsabi lahat ng galaw mo mula sa paggising at pagtulog. Eto yung mga klase ng tao na dapat mong pag ingatan dahil kaya niyang gawing viral ang kwento ng buhay mo.

Makikiring Nilalang. Eto naman ang mga klase ng tao na kaht sino ay hinaharot o nilalalndi. Hindi marunong pumili kahit may asawa ay papatulan.

Higop kung higop. In short it yung mga "sipsip". Daig pa ang linta kung sumipsip. Kung makapangbola kay mam at ser ganun ganun na lang kahit na mukhang uod si ser sasabihin " You look handsome today, Ser". Kaya nitong siraan ka upang lumapad ang kanilang mga papel sa mga amo.

Mga feeling beterano. Eto ung mga matagal ng OFW's at feeling nila alam na nila lahat. Kadalasan dito sa mga kababayang nating ito ay mga "Bossy". Feeling nila sa kanila lahat naka centro ang usapan. Sila lang ang magagaling.

Ang mga Obsessive Compulsive. Tawag ko dito ay mga "OC-OC" . Mga perfectionist. Lahat ng ng bagay pinakekealaman, kesyo hindi dapat ganyan, ganito dapat.

Pero ang aking payo ay maging totoo at makiramdam sa iyong mga kasama. Lahat na mga ganitong pag-uugali ay maari mong pakisamahan ng maayos ng hindi maapektuhan ang iyong buhay sa abroad.

Source: Kami.com.ph

Related news
Donita Rose admits going through a financial problem: “Nakakahiyang i-share sa inyo”

Donita Rose admits going through a financial problem: “Nakakahiyang i-share sa inyo”

Donita Rose admits going through a financial problem: “Nakakahiyang i-share sa inyo”
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel