Binatilyong PWD sa Parañaque, nasawi matapos bugbugin ng anim na menor de edad

Binatilyong PWD sa Parañaque, nasawi matapos bugbugin ng anim na menor de edad

  • Isang 14-anyos na binatilyong PWD ang nasawi matapos umanong pagtulungang bugbugin ng anim na menor de edad sa isang overpass sa Barangay BF Homes, Parañaque City noong Hunyo 5, habang kasama ang kaibigan sa simpleng lakad na nauwi sa trahedya
  • Ayon sa ina ng biktima, nakatanggap sila ng tawag mula sa pulisya na nasa kritikal na kondisyon na ang kanyang anak, at bago bawian ng buhay ay nakapagbitaw pa ng huling salita ng paghingi ng tawad sa kanyang ina
  • Agad na rumesponde ang mga barangay tanod at kapulisan matapos magreklamo ang tiyahin ng biktima, at dinala sa barangay hall ang anim na menor de edad na itinuro sa insidente ngunit todo-tanggi sa akusasyon
  • Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa “Bahay Pag-asa” ang mga menor de edad, habang nanindigan ang ina ng biktima na itutuloy ang laban at hindi tatanggap ng anumang kapatawaran o kabayaran

Read also

Ina ng Ateneo player humihingi ng katarungan sa nangyaring training

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Patay ang isang 14-anyos na binatilyong PWD matapos umanong pagtulungang bugbugin ng anim na menor de edad sa isang overpass sa Barangay BF Homes, Parañaque City noong Hunyo 5. Ayon sa ina ng biktima na si Lecille Tabinas, nagpaalam lamang ang kanyang anak na lalabas kasama ang kaibigan upang makipagpalitan ng shorts sa isang katagpo. Subalit matapos umalis ang katagpo, doon na nangyari ang marahas na insidente.

Binatilyong PWD sa Parañaque, nasawi matapos bugbugin ng anim na menor de edad
Binatilyong PWD sa Parañaque, nasawi matapos bugbugin ng anim na menor de edad
Source: UGC

Nakatanggap na lamang si Tabinas ng tawag mula sa pulisya na nasa kritikal na kondisyon na ang kanyang anak. Sa ospital, nakita niya ang anak na hirap na hirap at duguan. “Sabi ko, ‘bakit nak?’ Sabi niya, ‘sorry Mama.’ Humingi po siya ng sorry, sorry po,” ani ng ina. Kinabukasan, Hunyo 6, binawian ng buhay ang binatilyo dahil sa tindi ng pinsalang natamo.

Inilarawan ng ina ang kanyang anak bilang mabait at masunurin. Bagamat humingi ng kapatawaran ang mga menor de edad na sangkot, nanindigan si Tabinas na itutuloy ang kaso. “Sabi ko wala kayong konsensya… Buhay ng anak ko nawala dito. Kasi hindi mababayaran ng pera ‘yung buhay ng anak ko,” dagdag niya.

Read also

Italianong negosyante, inaresto matapos aminin na gawa-gawa ang robbery-snatching report

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Agad namang rumesponde ang mga barangay tanod at kapulisan matapos magreklamo ang tiyahin ng biktima. Ayon kay Eden Gay Macatangay, Women’s Desk Officer ng Barangay BF Homes, dinala sa barangay hall ang mga itinuro sa insidente ngunit todo-tanggi ang mga kabataan. “Hindi raw sila, wala raw silang alam,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Macatangay, bagamat may naitalang kaso ng away-kabataan at curfew violations sa lugar, ngayon lang nagkaroon ng insidente na humantong sa pagkasawi. Nagpaalala rin siya sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak upang maiwasan ang ganitong pangyayari.

Sa ngayon, ang anim na menor de edad ay nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa “Bahay Pag-asa,” isang shelter para sa mga kabataang may katulad na kaso.

Kaugnay ng insidenteng ito, kamakailan ay naiulat din ang iba pang kaso ng karahasan sa kabataan:

Sa Iligan City, isang Grade 3 pupil ang bugbog-sarado ng apat na high school students at kasalukuyang nasa ICU dahil sa tindi ng pinsala. Ang insidente ay nagdulot ng matinding pagkabahala sa komunidad at panawagan para sa mas mahigpit na pagbabantay sa mga kabataan.

Read also

82-anyos na lalaki, nasawi matapos ang mainitang pagtatalo sa Badian, Cebu

Sa parehong lungsod, isang 9-anyos na bata ang umano’y nakilala na ang mga high school students na nambugbog sa kanya. Ang pagkakakilanlan sa mga suspek ay nagbigay-daan sa mas mabilis na aksyon ng mga awtoridad at muling nagpaalala sa publiko tungkol sa panganib ng karahasan sa kabataan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate