Eman Bacosa Pacquiao, ipinasilip ang simpleng bahay nila sa probinsya ng kanyang ina

Eman Bacosa Pacquiao, ipinasilip ang simpleng bahay nila sa probinsya ng kanyang ina

  • Eman Bacosa Pacquiao, ipinakita ang simpleng tirahan nila sa probinsya ng kanyang ina
  • Ibinahagi niya ang mga pinagdaanan bilang anak ni Manny Pacquiao na lumaki nang malayo sa ama
  • Inamin niyang minsan ay nakaramdam siya ng pangungulila tuwing Father’s Day
  • Ngayon ay pursigido siyang gumawa ng sariling pangalan sa larangan ng boxing

Si Emmanuel Joseph “Eman” Bacosa Pacquiao, anak ng boxing legend na si Manny Pacquiao, ay muling napag-usapan sa social media matapos niyang ipasilip ang kanilang simpleng tirahan sa probinsya ng kanyang ina. Sa kabila ng tanyag na apelyido, ipinakita ni Eman na nananatili siyang grounded at proud sa pinagmulan niyang buhay sa labas ng karangyaan.

Eman Bacosa Pacquiao, ipinasilip ang simpleng bahay nila sa probinsya ng kanyang ina
Eman Bacosa Pacquiao, ipinasilip ang simpleng bahay nila sa probinsya ng kanyang ina (📷GMA News & Public Affairs)
Source: Youtube

Sa panayam kasama si Jessica Soho, ibinahagi ni Eman ang ilang mahahalagang bahagi ng kanyang kabataan—mula sa pagnanais niyang makasama ang kanyang ama, hanggang sa mga panahong tiniis nila ng kanyang ina ang hirap ng buhay.

Read also

Piolo, nag-react sa ‘Piolo Pacquiao’ comment ng netizens sa anak ni Manny Pacquiao

Ayon kay Eman, “Lagi akong naiinggit sa ibang bata lalo na pag Father’s Day at nakikita nila ang tatay nila. I’ve always longed for a father’s love since I was a child. I barely know him.”

Ikinuwento rin niya ang unang pagkakataong nakita niya si Manny noong siyam na taong gulang pa lamang siya. “9 years old ako, pagkatapos ko mag-boxing binisita namin si Daddy, pumunta kami sa birthday niya at naghintay kami sa gate ng ilang oras kami ng mama ko. Siguro hindi rin alam ng daddy ko na nandon ako,” dagdag pa ni Eman.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi rin naging madali para sa kanya ang lumaki na may kilalang apelyido. “May benefit bilang isang Pacquiao meron din pong disadvantage, binubully nila ako kasi anak daw ako ni Pacquiao tapos ‘Tara suntukan tayo’ tapos paglabas ko ng gate bubugbugin na nila ako.” Gayunpaman, sinabi niyang maaga siyang naging mature at natutong umunawa sa sitwasyon.

Nang tanungin kung sinuportahan siya ng kanyang ama, sagot niya, “Sinusuportahan naman po time to time pero hindi naman araw-araw.” Noong 2022, muling nagkita sila ni Manny matapos ang sampung taon. “Sabi ko po ‘Dad plano ko mag boxing,’ sabi niya ‘Mahirap ang boxing nak, mag aral ka nalang. Papuntahin nalang kita sa America,’” pagbabalik-tanaw ni Eman.

Read also

Kris Aquino: “The bone pain is awful because of the weather—but it hasn’t broken my spirit yet”

Ngayon, patuloy na hinuhubog ni Eman ang kanyang sariling karera bilang bagong boksingero sa ilalim ng pangalang Eman Bacosa Pacquiao, matapos siyang pormal na kilalanin ng kanyang ama. “Pinirmahan niya na po yung ano ko, ‘Nak gawin kitang Pacquiao para mabilis ang pag angat mo sa boxing’ parang bumawi na po siya saakin,” aniya.

Sa kabila ng mga pagsubok, nananatiling determinado si Eman na gumawa ng sariling pangalan at mag-iwan ng marka sa mundo ng sports—hindi lamang bilang anak ni Manny Pacquiao, kundi bilang isang atleta na sinubok ng panahon at pinanday ng karanasan.

Si Eman Bacosa Pacquiao ay anak ni Manny Pacquiao sa dating kasintahang si Emelda Bacosa. Lumaki siya sa probinsya kasama ang kanyang ina at nagsimula sa larangan ng boxing sa murang edad. Sa ngayon, may record siyang 7 panalo at walang talo, at patuloy na pinaghuhusayan ang kanyang disiplina sa sports habang ipinagpapatuloy ang kanyang pag-aaral sa ALS program.

Manny Pacquiao’s son Eman Bacosa goes viral for his boxing skills, netizens notice his celebrity resemblance Nag-viral si Eman Bacosa matapos mapansin ng netizens ang kanyang kahawig sa ilang kilalang personalidad sa showbiz. Bukod sa kanyang boxing skills, napag-usapan din ang kanyang disiplina at determinasyong sundan ang yapak ng ama sa ring. 📎 Basahin ang buong kwento dito

Read also

Kim Atienza, naiyak sa sulat ng kaibigan ng anak: “You’re an incredible father”

Piolo Pascual reacts to “Piolo Pacquiao” comments from netizens about Manny’s son Eman Bacosa Nag-react si Piolo Pascual matapos mapansin ng netizens ang pagkakahawig niya kay Eman Bacosa Pacquiao. Ipinahayag ni Piolo ang kanyang suporta sa batang boksingero at hinikayat itong ipagpatuloy ang kanyang pangarap. 📎 Basahin ang buong kwento dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate