Teacher sa Iloilo, inireklamo ng tatlong magulang sa umano’y pangmomolestya

Teacher sa Iloilo, inireklamo ng tatlong magulang sa umano’y pangmomolestya

  • Ina sa Iloilo, nagalit matapos madawit ang anak sa social media post tungkol sa umano’y pangmomolestya ng guro
  • Guro na kinilalang “Sir Mar,” inirereklamo ng tatlong magulang dahil sa umano’y pang-aabuso sa mga estudyante
  • DepEd Iloilo, nagsagawa ng imbestigasyon at naglabas ng opisyal na pahayag ukol sa isyu
  • Pulisya, kinumpirmang mga menor de edad na edad 13 hanggang 14 ang umano’y biktima

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Galit at pagod ang nararamdaman ngayon ng isang ina sa Oton, Iloilo matapos madawit ang pangalan ng kanyang anak sa isang social media post tungkol sa umano’y pangmomolestya ng guro.

Teacher sa Iloilo, inireklamo ng tatlong magulang sa umano’y pangmomolestya
Teacher sa Iloilo, inireklamo ng tatlong magulang sa umano’y pangmomolestya (📷GMA Regional TV)
Source: Facebook

Ang lalaki, na tinutukoy bilang “Sir Mar,” ay inirereklamo ng tatlong magulang dahil umano sa hindi kanais-nais na ginawa nito sa ilang menor de edad. Ayon sa isa sa kanila, na ginamit ang alyas na Maria, hindi na raw niya napigilang lumantad nang mabasa ang pangalan ng kanyang anak sa naturang post.

“Sila ang second parent, kahit gusto pa ng bata kasi binigyan nila ng pera, kung gusto man 'yan ng bata, ikaw na teacher, alam mo kung ano ang gagawin mo,” ani Maria.

Read also

Emman Atienza opened up about anxiety and hate online in her final Instagram message

Kwento niya pa, minsan umanong dinala ni Sir Mar ang kanyang anak, si JJ, at dalawa nitong kaklase sa bahay ng guro. Doon daw naganap ang hindi kanais-nais na pangyayari.
“Ni-lock niya ang pintuan at hinawakan ang mga harapan ng mga bata. At umayaw ang bata, in-offeran niya na bibigyan ng pera. Ang anak ko, tumayo at nagsabing ayaw ko,” dagdag pa ng ina.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Simula raw noon, napansin niyang tila nawalan ng gana sa pagpasok si JJ. “Simula ng year, hindi na siya masyadong pumapasok kasi ang sabi niya, wala siyang tiwala sa mga teacher,” saad ni Maria.

Kinumpirma ng mga pulis na may dalawa pang mga magulang na nagsampa ng reklamo laban kay “Sir Mar.” Base sa kanilang imbestigasyon, edad 13 at 14 ang mga umano’y biktima. Ang insidente ay nangyari umano noong Agosto 27 at 29, 2025.

“In-invite sila nitong teacher na mamasyal. Then dinala sila sa lugar na medyo madilim at doon isinagawa ang pangmomolestya sa kanila,” pahayag ni Captain Lunelyn Talamillo, deputy chief ng Oton Municipal Police Station.

Read also

Inday Barretto, inamin na hindi sila magkasundo ni Marjorie: “I love her, she knows that”

Ayon sa barangay chairman ng Poblacion West, ikinagulat nila ang reklamo dahil kilala raw ang guro bilang “professional at istrikto.”
“Professional at istrikto siya. So ang other side niya na pag-uugali regarding sa ganitong issue is wala kaming idea na may ganyang nangyayari,” ani Chairman Jose Benjamin Custodio.

Sinubukan umanong puntahan ng media team ang bahay ni “Sir Mar” para kunin ang kanyang panig ngunit walang lumabas upang magsalita.

Samantala, naglabas ng opisyal na pahayag ang Schools Division of Iloilo noong Oktubre 24, 2025.

Binanggit ng ahensya ang mga batas na kanilang sinusunod, kabilang ang RA 7877 (Anti-Sexual Harassment Act), RA 11313 (Safe Spaces Act), at DepEd Order No. 40, s. 2012 (Child Protection Policy).
Dagdag pa nila, ginagarantiya ng Magna Carta for Public School Teachers (RA 4670) ang karapatan ng mga guro sa patas na proseso habang tinitiyak ang proteksyon ng mga estudyante.

Read also

Melissa De Leon, nagpahayag ng pasasalamat kay Vice Ganda sa isyu ng korapsyon

Hiniling din ng DepEd sa publiko na maging mahinahon sa pagbibigay ng komento online at iwasang magbigay ng hatol habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Kung mapatunayang totoo ang mga paratang, maaring maharap ang guro sa kasong Acts of Lasciviousness o Child Abuse (RA 7610). Bukod sa posibleng pagkakakulong, maaari rin siyang ma-disqualify sa pagtuturo o serbisyo publiko.

Isang pari naman ang pinaghahanap matapos umano’y mangmolestiya at magnakaw ng pera sa simbahan ayon sa Kami.com.ph. Ayon sa ulat, iniimbestigahan siya ng mga awtoridad matapos mapag-alaman ang mga reklamo mula sa kanyang mga parokyano.

Sa isa pang kaso, isang 35-anyos na lalaki ang naaresto matapos isumbong ng 14-anyos niyang anak na minolestiya umano siya. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, agad kumilos ang mga pulis matapos magsampa ng reklamo ang pamilya.

Ang dalawang kasong ito ay nagpapakita ng lumalalang pang-aabuso sa mga kabataan at panawagang paigtingin ang proteksyon sa kanila sa loob at labas ng paaralan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate