Bea Alonzo, nagsalita na ukol sa kumakalat na "the picture" niya: "For anyone curious"

Bea Alonzo, nagsalita na ukol sa kumakalat na "the picture" niya: "For anyone curious"

  • Ipinagdiwang ni Bea Alonzo ang kanyang kaarawan at nagbahagi ng mensahe ng pasasalamat sa Instagram
  • Aniya kasi ni Bea, "feeling grateful" daw siya dahil may isa na naman siyang taon ng "laughter" at "growth"
  • Ngunit direkta ring sinagot ng aktres ang kumakalat na larawan niya na naging mitsa ng espekulasyon tungkol sa posibleng pagbubuntis
  • Dahil dito, agad na natahimik ang mga espekulasyon tungkol sa Kapuso artist

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Ibinahagi ng aktres na si Bea Alonzo ang kanyang pasasalamat sa lahat ng bumati sa kanyang kaarawan sa isang Instagram post, kung saan nabanggit din niya ang kanyang damdamin sa isa na namang taon ng paglago at tawanan. Gayunpaman, sa viral post, nilinaw din niya ang kumakalat na larawan niya na naging sanhi ng maraming espekulasyon mula sa mga netizens sa social media.

Bea Alonzo, nagsalita na ukol sa kumakalat na "the picture" niya: "For anyone curious"
Photos: @beaalonzo on Instagram | @rhn.editss on TikTok
Source: Instagram

Sa post, makikita si Bea na may hawak na dessert na may nakasulat na "Happy Birthday." Ang kanyang caption ay nagsimula sa pagpapahayag ng pasasalamat: "Feeling so grateful for another year of laughter, growth, and the people who keep me grounded." Isang matamis na mensahe mula sa Kapuso artist na nagpapakita ng kanyang pagpapahalaga sa mga tao sa kanyang buhay.

Read also

Candy Pangilinan, masayang binati si Quentin sa ika-22 na kaarawan nito

Ngunit ang naging sentro ng usapan sa post ay ang kanyang pagtugon sa isang 'picture' na matagal nang pinag-uusapan online ng mga tao. Aniya Bea sa caption, "And for anyone curious about 'the picture' – just caught at a bad angle after an amazing dinner. Glowing, not expecting."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang pahayag na ito ay nagbigay linaw sa mga haka-haka ng netizens na posibleng buntis si Bea dahil sa isang larawan niya na kumalat kamakailan online. Sa simpleng paglilinaw na "bad angle" lang ito at hindi siya nagdadalantao, natahimik ang mga spekulasyon ng mga tao sa aktres.

Ang Instagram post na ito ay mabilis na umani ng maraming likes at komento mula sa kanyang mga tagahanga at kaibigan sa industriya, na patuloy na bumabati sa kanya at nagpapahayag ng suporta. Pinatunayan ni Bea na bukod sa pagiging mahusay na aktres, marunong din siyang harapin ang mga isyu nang direkta.

Si Bea Alonzo ay isang kilalang Filipina actress na nakilala bilang isa sa pinakasikat at pinakamahusay na leading ladies sa industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas. Sumikat siya sa kanyang mga teleserye tulad ng Kay Tagal Kang Hinintay, Maging Sino Ka Man, at A Love to Last, pati na rin sa kanyang mga pelikula na tumatak sa publiko gaya ng One More Chance at The Mistress. Kilala si Bea sa kanyang husay sa pag-arte at sa kakayahan niyang magbigay-buhay sa iba't ibang karakter, dahilan para tanghalin siyang isa sa mga pinakamahuhusay na aktres ng kanyang henerasyon. Sa personal na buhay, bukod sa kanyang matagumpay na career, madalas ding napapabalita si Bea dahil sa kanyang mga relasyon at mga desisyon sa buhay.

Read also

Netizens, labis na naaliw sa text convo nina Candy Pangilinan at Quentin: "Wag ka na mag-text"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay kumalat ang balita na engaged na umano sina Bea Alonzo at businessman na si Vincent Co, ngunit nilinaw ng aktres sa isang panayam na wala siyang kailangang ipaliwanag at mas pinili niyang huwag kumpirmahin o pasinungalingan ang isyu. Ayon kay Bea, masaya siya sa kanyang kasalukuyang sitwasyon ngunit nais niyang panatilihin sa labas ng publiko ang kanyang personal na buhay.

Samantalang si Bea Alonzo ay naging usap-usapan dahil sa kanyang pagsagot sa netizen. Kamakailan ay nag-post kasi siya ng gallery of photos niya sa Instagram. Ito ay may caption na "current chapter" sa naturang photo-sharing application. Ngunit, may isang netizen kasi na nakapansin ng ginamit na BG music ng aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco