Pagkuha sa mga natabunan ng malalaking tipak ng bato mula sa lindol, pahirapan

Pagkuha sa mga natabunan ng malalaking tipak ng bato mula sa lindol, pahirapan

  • Hirap ang retrieval operations sa Bogo City matapos ang malakas na 6.9 magnitude na lindol
  • Tatlong miyembro ng pamilya ang natagpuang patay sa ilalim ng gumuhong bato
  • Samantalang ang Cebu Provincial Hospital naman sa Bogo ay nananatili sa triage area dahil sa pinsala
  • Ang mga tulay sa lalawigan ay sinusuri ng DPWH at idineklarang ligtas ang ilan
Unang Balita/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube
Unang Balita/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube
Source: Youtube

Pahirapan ang pagkuha sa mga taong natabunan ng malalaking bato matapos ang magnitude 6.9 na lindol sa Cebu nitong Martes.

Gumamit ng heavy equipment ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 7 upang alisin ang mga tipak ng batong bumagsak sa mga bahay sa Sitio Laray, Barangay Binabag, Bogo City.

Hindi naging madali ang pagpasok sa lugar at ang retrieval operations.

Ayon kay Engineer Jerry Evangelio ng DPWH Region 7, nakakita sila ng tatlong patay kabilang ang isang ina at dalawang anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nauna nang nakuha ang ama ngunit wala na ring buhay. Sugatan naman ang kaanak nilang si Richard Dosayan.

Read also

Matinding pinsala ang natamo ng mga bahay, gaya ng sa pamilya ni Arnie Calasa na halos gumuho ang palikuran at kusina.

Samantala, nananatili sa triage area ang mga pasyente ng Cebu Provincial Hospital dahil sa patuloy na aftershocks.

Sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon na magpapadala ng team mula Manila upang suriin ang kalagayan ng ospital.

Malubha ang pinsala sa Operating Room, Emergency Room, at Delivery Room kaya iniutos na agad itong ayusin.

Idinagdag pa ni Dizon na pinasusuri rin ang lahat ng tulay sa Cebu. Binuksan na ang First Mactan-Mandaue Bridge matapos ang pansamantalang pagsasara.

Ligtas na ring madaanan ang Marcelo Fernan Bridge at CCLEX, ayon sa DPWH advisory.

Panuorin ang ulat sa bidyong ito:

Mga balita, larawan, o video na nakakakuha ng interes ng netizens ay madalas maging viral sa social media dahil sa atensyong ibinibigay nila rito. Karaniwang tumatama sa damdamin ng netizens ang mga viral na post, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga ordinaryong tao, kaya nagiging sobrang relatable para sa marami.

Read also

Sa naunang ulat ng KAMI, isang lindol na may lakas na magnitude 6.9 ang tumama sa may karagatan ng Bogo City bandang 9:59 ng gabi, mas mataas mula sa unang ulat na magnitude 6.7, ayon sa Phivolcs. Umakyat na sa 35 ang bilang ng mga nasawi—30 mula sa Bogo City at 5 sa San Remigio, kabilang ang isang 10 taong gulang na bata. Gumuho rin ang isang sports complex habang may larong basketball, kung saan nasawi ang ilang miyembro ng Coast Guard at BFP; patuloy pang nagsasagawa ng paghahanap ang mga rescuer. Sinuspinde ang klase at iniutos ang safety checks, habang nakakaranas ang Cebu ng pagkawala ng kuryente, putol na komunikasyon, at babala ng aftershocks.

Agad namang kumilos ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang tulungan ang Cebu matapos ang malakas na lindol. Naghanda ang DSWD ng 300,000 family food packs, nagpadala ang DOH ng mga medical team, at inatasan ang PhilHealth na sagutin ang gastusin sa ospital ng mga biktima. Iniulat ng NHA na 34 housing units sa Bogo ang nasira ngunit walang nasawing residente. Nilinis naman ng DPWH ang mga kalsadang nabara at sinuri ang mga gusali at ospital para sa kaligtasan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: