Vice Ganda, tila napa-walk out nang mamali ng dinig si Anne Curtis sa 'Showtime'

Vice Ganda, tila napa-walk out nang mamali ng dinig si Anne Curtis sa 'Showtime'

  • Si Vice Ganda ay talagang napa-walk out na lamang dahil kay Anne Curtis
  • Kamakailan ay namali kasi si Anne ng dinig sa sinabi ng isang contestant
  • Dahil dito ay marami ang naaliw sa naging reaksyon ni Vice Ganda sa show
  • Hindi lang si Vice ang kinaaliwan ng marami kundi pati na rin si Anne

Si Vice Ganda, isang Kapamilya star, ay muling nagpatawa ng mga manonood matapos siyang mapilitang mag-walkout dahil sa nakakatawang tanong ni Anne Curtis sa isang contestant.

Vice Ganda, tila napa-walk out nang mamali ng dinig si Anne Curtis sa 'Showtime'
Photos: It's Showtime via GMA Network on YouTube
Source: Youtube

Sa 'Laro Laro Pick,' nakapanayam nila Vice at ng iba pang hosts si Tatay Jimmy, isang contestant na bukas na ibinahagi ang kanyang mga pangarap para sa kanyang pamilya. "Ang pangarap ko sa pamilya ko ay mabigyan sila ng magandang buhay, na mapag-aral ko yung mga anak ko," aniya.

Dito ay nag-follow up ng tanong si Vice: "Gusto mong mapag-aral ang mga anak mo, mabigyan sila ng disenteng buhay. Nag-aaral sila ngayon?" Sagot naman ni Tatay Jimmy ay isa lang ang nag-aaral ngayon, "Huminto yung dalawa, yung isa na lang, yung bunso na lang ang nag-aaral."

Read also

Ivana Alawi, ipinaghanda ang anak ni Katrina Halili na si Katie sa kaarawan nito

Hindi pa nga rito nagtapos ang usapan dahil muling nagtanong si Vice, "Yung panganay, nag-kolehiyo ba siya?" na sinagot naman ni Tatay Jimmy, "Wala pa, magka-college pa lang." Ngunit dito na nangyari ang nakakatawang eksena nang biglang sumingit si Anne na mali ang narinig mula kay Tata Jimmy. Sa clip, inosente siyang nagtanong: "Kakaalis po? Papunta saan po?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil sa maling pagkaintindi ni Anne, bigla na lamang naglakad palayo mula sa stage si Vice, habang labis talagang natawa ang ibang hosts. Si Vhong Navarro pa mismo ang nagbigay-linaw, sabay tawa: "Magka-college pa lang!" Hindi naman maitago ni Anne ang kanyang pagka-shy matapos ang blooper na agad naging biruan sa studio, lalo na sa mga audience ng programa.

Maging ang mga netizens ay hindi nagpahuli sa pagtawa at pagbibigay ng reaksyon online:

"HAHAHAHAHA Kahit ako magwa-walk out eh!"
"Talagang Anne is Anne eh, grabe yung itinawa ko dito."

Read also

2-anyos na bata, nag-survive mag-isa sa tabi ng ina na ilang araw nang patay dahil sa junk foods

"Eh yung nabasag bigla yung seryosong usapan nila HAHAHA."

Isa na namang patunay ang nakakatawang eksenang ito ng natural na chemistry at kakulitan ng It's Showtime barkada na patuloy na nagbibigay ng saya at tawa sa kanilang mga manonood.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Vice Ganda ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, host, at singer. Siya ay malawak na kinikilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip, makulay na personalidad, at malaking ambag sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang stand-up comedian sa mga comedy bar sa Manila. Nagsimula ang kanyang malaking break noong naging regular siyang host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2009. Dahil sa kanyang karisma at husay sa pagpapatawa, agad siyang naging sikat sa mundo ng showbiz.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagpasaring si Vice Ganda tungkol sa pagkapanalo ng mga Pinoy sa ibang bansa pero talo umano sa sariling bayan. Binanggit niya ang panalo ni Jessica Sanchez bilang Grand Winner ng America's Got Talent S20. Sinabi niya na nakakahiya kung sa Pilipinas mismo ay hindi nananalo ang mga Pilipino. Nagbigay din ng reaksyon ang co-hosts niya.

Read also

Donny Pangilinan, nagbigay ng P300k para sa mga kariton vendors na sumali sa 'Showtime'

Samantalang naging emosyonal si Vice Ganda sa It's Showtime matapos makilala si Nanay Rosie na natutulog sa kalsada sa Baclaran. Ayon kay Rosie, wala na siyang pambayad ng upa kaya’t napilitan siyang matulog sa bangketa habang nagtitinda ng inumin at sigarilyo upang mabuhay. Ikinumpara ni Vice ang sitwasyon ni Rosie sa mga pulitikong may napakaraming ari-arian.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco