2 menor-de-edad na babaeng sakay ng motor, patay matapos sumalpok sa isang bahay

2 menor-de-edad na babaeng sakay ng motor, patay matapos sumalpok sa isang bahay

  • Dalawang menor-de-edad na babae na sakay ng motor ang binawian ng buhay sa isang aksidente
  • Ayonsa ulat sa '24 Oras Weekend' ng GMA 7 at base na rin sa kuha ng CCTV, sumalpok ang motor na sinakyan ng mga biktima sa isang bahay
  • Ang insidente ay nangyari sa Purok Sili III, Barangay Balintawak, Pagadian City, Zamboanga del Sur
  • Dead on the spot ang isa sa mga biktima, samantalang dead on arrival naman sa hospital ang isa pa

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

24-Oras Weekend/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube
24-Oras Weekend/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube
Source: Youtube

Ang lalaki nilang kasama, sugatan matapos ang malagim na pangyayari.

Wala namang nadamay sa mga nakatira sa bahay, subalit aminado sila na trauma ang hatid sa kanila ng insidente.

"Tinignan ko 'yung dalawang dalaga na nakahandusay doon sa lapag ng bahay ko. Bumungad sa akin iyong babae, iyong dugo niya nasa bibig. Sumigaw ako sa takot tapos nagpunta ako sa likuran ng bahay namin," ani Jona Saurnero, may-ari ng bahay.

Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, papunta raw ng Zamboanga Del Sur National High School ang mga biktima nang mawalan umano ng preno ang motor.

Read also

Cristy Fermin, palaban ang sagot sa arrest warrant: 'Ibe-bail naman ito at ilalaban sa husgado'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Allegedly galing sila doon sa viewdeck, namasyal kasi may activity yata sila sa school kaya tumakas sila, pumunta sila sa viewdeck. While going down na sila pababa ng viewdeck, nagkaroon daw ng mechanical problem iyong motor nila. Mabilis iyong takbo nila kaya tuloy-tuloy doon sa bahay." ani PLTCOL Jerwin San Diego Cagurin, Chief of Police ngf Pagadian City Police Station.

Napag-alaman na walang plaka ang motorsiklo.

Panuorin ang ulat ng '24 Oras Weekend' sa bidyong ito:

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Regine Velasquez, inaming ilang beses silang naghiwalay ni Ogie Alcasid

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: