Angelica Panganiban, spotted sa dinner celebration para kay Heart Evangelista

Angelica Panganiban, spotted sa dinner celebration para kay Heart Evangelista

  • Isang dinner celebration naman ang inihanda ni Dr. Aivee Teo para kay Heart Evangelista
  • Sa nasabing dinner celebration, labis nilang kinongratulate si Heart sa kanyang new feat
  • Naging cover star at guest editor lang naman kasi si Heart sa Harper's Bazaar Singapore
  • Pero ang talagang pumukaw sa atensyon ng marami ay ang pagdalo ni Angelica Panganiban

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang espesyal at makabuluhang gabi ang inihandog para kay Heart Evangelista, isang global fashion icon, upang ipagdiwang ang kanyang pinakabagong achievement — ang pagiging cover star at guest editor niya sa Harper's Bazaar Singapore para sa kanilang July issue ngayong taon.

Sa isang reel na ibinahagi ng celebrity dermatologist na si Aivee Teo ng The Aivee Clinic, makikita ang ilang highlight mula sa intímate dinner celebration para sa Kapuso superstar.

Angelica Panganiban, spotted sa dinner celebration para kay Heart Evangelista
Photos: @meetkeso via @iamhearte on Instagram
Source: Instagram

Sa kanyang caption, ibinahagi ni Aivee ang kanyang kasiyahan para sa tagumpay ni Heart: "Such a beautiful and intímate night celebrating our dearest @iamhearte and her @harpersbazaarsg July cover — not just as the cover star, but as their very first guest editor. What a powerful milestone!"

Read also

Nurse, absuwelto mula sa pagkakakulong matapos putulin ang paa ng isang pasyente ng walang paalam

Hindi rin napigilan ni Aivee alalahanin kung paano niya nasubaybayan ang pag-unlad ni Heart: "Heart, I've known you since you were a teenager, and I've witnessed every chapter of your journey — always with grace, strength, and that unstoppable drive. Watching you break barriers and soar to new heights makes me incredibly proud," aniya ng celebrity dermatologist sa app.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, nag-post din si Heart sa kanyang Instagram tungkol sa masayang selebrasyon.

"The Aivee x Heart Guest Editor Dinner Celebration was everything I dreamed of... intímate, heartfelt, and full of love! So grateful for everyone who came, especially our special guest @kennieboy," ani ng aktres at fashion muse sa kanyang opisyal na social media page.

Isa sa mga lalong ikinatuwa pa nga ng mga netizens ay ang presensya ni Angelica Panganiban sa nasabing event. Ibinahagi kasi ni Heart ang candid photo nila ni Angelica habang sila ay tumatawa. Marami sa mga tagahanga ang umaasang muling magsama ang dalawa sa isang proyekto. "Huhu, Angge and Heart in one frame, nostalgia is hitting me," ani pa ng isang fan.

Read also

Valerie Concepcion, may pa-"daily interruption" na message sa kanyang anak

I-view ang original na post dito:

Angelica Panganiban, spotted sa dinner celebration para kay Heart Evangelista
Screenshot mula sa Instagram ni @iamhearte
Source: Instagram

Si Heart Evangelista ay isang kilalang Filipina artist, fashion icon, at multimedia personality. Nagsimula ang kanyang karera sa industriya ng showbiz noong siya ay 13 years old, bilang isang modelo at aktres sa mga programa tulad ng G‑Mik. Bukod sa pag-arte, kilala si Heart bilang isang international fashion influencer — madalas siyang mapabilang sa mga Fashion Week sa Paris at Milan, kung saan ang mga posts niya ay nag-generate ng milyon-milyong dollars na media impact value para sa mga luxury brand. Sa personal naman niyang buhay, si Heart ay kasal kay Chiz Escudero at minsan nang naging 'First Lady ng Sorsogon' mula 2019 hanggang 2022.

Samantalang sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-react si Heart Evangelista sa candid na 5-minute video ni Rica Peralejo sa TikTok. Sa video, tinugunan ni Rica ang mga pambabatikos na kanyang natanggap kaugnay ng isang post na kalaunan ay kanyang binura. Ang post ay isang reflection kung saan nabanggit ni Rica ang fashion icon.

Read also

GMA reporter Bernadette Reyes pens open letter to aspiring journalists: "Dear communications student"

Samantalang bumisita noon si Heart Evangelista sa bahay ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition at narinig niyang ibinahagi ni AZ Martinez ang hirap sa pagmu-move on mula sa kanyang dating karelasyon. Nagbigay si Heart ng payo tungkol sa paglayo sa mga toxic na relasyon, at inihalintulad ang ganitong klaseng pag-ibig sa isang virus.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco